Monday , January 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
VMX Bellas

Denise Esteban, happy sa pagiging member ng VMX Bellas

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG Vivamax sexy star na si Denise Esteban ang latest addition sa hot na hot na all girl group na VMX Bellas na binubuo nina Quinn Carrillo, Angelica Cervantes, Tiffany Grey, at Hershie de Leon.

Ang limang hottie na ito ay madalas napapanood sa mga pelikula o serye ng Vivamax na talagang nagpapa-init sa maraming barako.

Paano siya napasali sa VMX Bellas?

Esplika ni Denise, “Bale, nag-message po sa akin si Quinn, nag-ask siya kung may ganap ako and kung gusto kong sumali sa group, iyong VMX Bellas po. Sakto po na that time ay wala po akong ginagawang project.

“Kapapasok ko lang po sa VMX Bellas ng mga kalagitnaan ng May, kaya yung preparation po talaga namin is lahat ng free time, rehearsal po talaga. Lalo na po ako na kailangan kong humabol, kasi kapapasok ko nga lang po sa grupo.”

Nalaman din namin na dati siyang member ng all-female group. “Opo, dati po akong member ng girl group bago ako pumasok sa Vivamax, iyong Ppop Generation po.”

Nabanggit din niyang sobra siyang nag-enjoy mag-perform ng live, tulad  ng punong-punong show nila sa Viva Cafe last Saturday.

Aniya, “Yes po, super po akong nag-eenjoy mag-perform ng sing and dance, iba po talaga yung feeling kapag nasa stage ka na, kumakanta at sumasayaw.

“After four years, hindi ko po akalain na makakabalik ako sa pag-perform ulit sa entablado.”

Dagdag pa ni Denise, “Ang sarap po sa feeling na makita ulit yung mga manonood at yung mga dati kong fans noong nasa dati pa akong grupo kung saan ako nagsimula… na naka-support pa rin sila sa akin. Nagulat ako kagabi kasi nandoon pa rin sila sa akin hindi pa rin sila nawawala, ang Deniseans.”

Palagay niya, bakit kaya naisipan ni Quinn na isali siya sa grupo?

“Naisipan po niya siguro akong isali sa grupo kasi alam po niya na dati rin akong galing sa girl group.”

Ano ang masasabi niya sa group nilang VMX Bellas? “Ang masasabi ko sa VMX Bellas, magagaling sumayaw at kumanta at sobrang bait po nila sa akin.”

Ano sa palagay niya ang kaibahan ng VMX Bellas sa ibang girl group? “Pareho lang naman din po kami sa ibang girl group, ang pagkakaiba lang po namin siguro is may pagka-sexy po yung sa aming grupo,” wika pa ni Denise na bida sa movie na Star Dancer na palabas na ngayon sa Vivamax. Mapapanood din siya sa Hosto na streaming na sa June 16, starring Vince Rillon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …