Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Holding Hands

14-anyos dalagita sa Bulacan tinangay ng boyfriend, nasagip sa Laguna

Nasagip ng mga awtoridad nitong Hunyo 1 ang isang dalagita mula sa Bulacan na tinangay ng kanyang boyfriend at dinala sa bahay nito sa Pila, Laguna.

Sa ulat na ipinadala ni Police Major Abelardo Jarabello III, hepe ng Pila Municipal Police Station (MPS), kay Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, provincial director ng Laguna PPO, ang biktima na itinago sa pangalang ‘Nene’, 14-anyos, Grade 8 pupil at residente ng P5 Blk 15 Lot 28, Residence III, Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan.

Ang suspek ay kinilalang si Jaybee Balcita y Burda, 21, laborer at residente ng Purok 3, Brgy. San Antonio, Pila, Laguna.

Ayon kay PMaj Jarabello III, nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen mula sa Pandi, Bulacan na humihingi ng tulong at ipinagbigay-alam sa kanila na si ‘Nene’ na residente ng P5 Blk 15 Lot 28, Residence III, Mapulang Lupa, Pandi ay nawawala noon pang Marso 29.

Sinabi rin ng concened citizen na ang biktima ay namataan sa bahay ng suspek sa Purok 3, Brgy. San Antonio, Pila, Laguna.

Matapos malaman ang buong detalye ay kaagad inatasan ni PMajor Jarabello III si Police Corporal Rainier Flores III, intel officer ng Pila MPS na nakipag-ugnayan naman sa mga opisyal ng barangay sa naturang lugar.

Nang puntahan ng mga awtoridad ang bahay ng suspek ay natagpuan nila dito ang biktima kasama ang mga magulang ng lalaki.

Ayon sa mga magulang ng biktima, noong una ay nagkakaroon sila ng ugnayan ng suspek sa pamamagitan ng messenger at sinasabi nito na wala na sa kanila ang biktima at hiwalay na sila.

Pero nang tanungin ni PSMS Maria Pricilla L. Reyes, may hawak ng kaso, ang biktima ay nagpahayag na may nangyari na sa kanila ng suspek habang nasa bahay nito sa nabanggit na barangay.

Dahil dito ay inaresto ang suspek at idinetine sa Pila MPS Jail habang inihahanda na ang kasong Statutory Rape na isasampa laban sa kanya sa Prosecutor’s Office.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …