Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Itan Magnaye Ma-an L. Asuncion-Dagñalan Hershie de Leon, Mon Mendoza Angelica Cervantes Vance Larena

Itan Magnaye, nagpasilip ng puwet sa Home Service

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SUMABAK sa matinding romansahan ang guwapitong hunk actor na si Itan Magnaye sa pelikulang Home Service para sa Vivamax.

Mula sa pamamahala ni Direk Ma-an L. Asuncion-Dagñalan, tampok dito sina Hershie de Leon, Mon Mendoza, Angelica Cervantes, at si Vance Larena.

Ang pelikula ay hatid ng Viva Films at 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo.  

Sa aming panayam kay Itan, nagpatikim siya ng ilang mga dapat asahan sa kanilang pelikulang ito.

Aniya, Ang role ko po sa movie, isa po ako ritong kliyente… yes po kliyente po ako ni Hershie sa home service, kumbaga ay parang sex client po, hehehe.

“Ito ay isang movie na sobrang nakaka-excite panoorin dahil sa sobrang galing ng mga artista at hindi lang iyon, dahil napakaganda ng istorya nito,” sambit pa ni Itan.

Balita namin matitindi raw na love scene ang mapapanood dito?  

“Abangan na lang po natin pero isa lang po ang masasabi ko, sobrang lala po, as in sobrang tindi ng mga makikita nilang love scene rito at sobrang solid po ng mga love scenes dito.”

Kamusta si Direk Ma-an, nanibago ba siya dahil first time niyang sumabak sa ganitong genre ng movie?

“Okay lang naman po si direk Ma-an and sobrang galing niya po mag- direk at sobrang saya katrabaho. Hindi lang po iyon, sobrang bait pa,”

Ito ang FB post ni Direk Ma-an hinggil sa paggawa niya ng Home Service:

Filming my first Vivamax “Home Service”. Honestly, this genre is outside my comfort zone. But as a cliche goes, it’s a learning experience. Doing this film also answers my “what ifs”.

It is a great thing that the script I am directing is written by my husband and partner in crime Michael. And fortunately, I’m guided by him.

Thank you 3:16 Media NetworkDennis Evangelista, and to my wonderful manager Ferdy Lapuz for this opportunity.

Kung ang mentor ko at mga nire-respeto kong directors ay nagvi-Vivamax, ako pa ba?  

Screenplay ito ng aking asawa (na Palanca Awardee) na si Michael, and marami sa nakabasa nito ay sinabi na maganda ang kanyang script — totoo naman Sana mabigyan ko ito ng justice

Anyway, ano ang masasabi ni Itan kay Direk Ma-an at sa kanyang co-stars dito?

“Sobrang gagaling po nila at sobrang saya ko dahil nakatrabaho ko sila sa isang movie na tulad ng Home Service. Abangan ninyo ito guys!”  Masayang bulalas pa ng aktor.

Gaano siya ka-daring dito at paano ang ginawa niyang preparasyon sa kanyang role?

Esplika ni Itan, “Sobrang daring as in ginawa ko talaga ang best ko para maipakita na kaya ko ang mga ibinibigay nilang role sa akin, kahit na daring ito… And masasabi kong ito ang pinaka-challenging na role na nagampanan ko po.”

Bakit niya nasabing ito ang pinaka-challenging niyang role? May pasilp ba siya ng butt dito?

“Sa totoo lang po, sobrang init ng love scenes dito at at marami kayong makikita… abangan nyo na lang ang paglabas ng Home Service, sobrang ganda nito!”

Pahabol na sambit pa ni Itan, “Yes, mayroon po akong pasilip ng puwet dito, kaya abangan nyo ang paglabas nito.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …