Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eat Bulaga Dabarkads TVJ

Dabarkads bagong titulo ng show ng TVJ 

I-FLEX
ni Jun Nardo

MARAMING tumulo ang luha nang magpaalam sina Tito. Vic and Joey bilang main hosts  ng Eat Bulaga.

Sa pahayag ng tatlo, pumasok silang lahat last May 31, 2003 pero hindi sila pinayagang mag-show ng live.

Kaya naman ang ipinalabas na episode ng EB sa araw na ‘yon ay replay, particularly ‘yung grand finals ng Little Ms Diva.

Ang pinayagan lang magpaalam sa Facebook page ng Eat Bulaga ay sina TVJ. Hindi na nakita pa ang ibang hosts.

Kasunod ng paalaman ay ang paglabas ng statement ng GMA Network na nagdarasal na maayos ang lahat at hanggang 2024 pa ang kontrata nito sa TAPE, Inc.

May lungkot sa posts sa FB ni Maine Mendoza. Saad naman ni Joey de Leon, “We’re not signing off. We’re just taking a day off.”

Sa impormasyong nakuha namin, two weeks pahinga ang hosts ng Bulaga pero after nito, malalaman natin kung totoo ang balitang lilipat sila sa TV5 at ang bagong title ng show ay Dabarkads.

Inoperan din daw sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Balleteros na maging bahagi pa rin ng Eat Bulaga. Pero mas pinili umano nilang kumampi kina Tito, Vic and Joey.

Aba, kung sa TV5 na mapapanood sina TVJ, masisipang muli si Vice Ganda pati na ang kasama sa It’s Showtime, huh! Nasipa na nga sila noon at nakabalik, ngayon, masisisipa na naman muli?

Samantala, abangan na lang ang Eat Bulaga sa GMA at kung ano ang ipalalabas ng bagong management, magtiis na lang hanggang bumulaga ang Dabarkads sa ibang channel!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …