Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Beauty Gonzales Lani Mercado

Bong aminadong laging kabado sa paggawa ng serye

RATED R
ni Rommel Gonzales

SI Lani Mercado mismo ang pumili kay Beauty Gonzalez para maging leading lady ni Sen Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na bagong action/comedy series ng GMA.

Unang beses na katrabaho ni Sen Bong si Beauty, paano niya ilalarawan ang aktres bilang leading lady?

Well napakagaling na artista. In fact even ‘yung image niya hindi naman nalalayo sa aking maybahay na si Lani.

“‘Yung height niya, ‘yung talino niya, ‘yung galing niya, in fact si Lani pa nga ang pumili sa kanya eh,”rebelasyon pa ni Sen Bong.

At nakita ko talagang magaling siya talaga, sa totoo lang, nakita niyo naman ‘yung mga ginawa niya [sa trailer].

“Wala pa ‘yan, abangan niyo mismo kapag ipinalabas na tayo sa telebisyon.” 

Kagulat-gulat din na inamin ng actor/senator na kinakabahan siya sa muli niyang paggawa ng serye na eere na sa June 4, 7:50 p.m..

Pero siyempre nandoon pa rin ‘yung kaba.”

Kinakabahan pa rin pala siya?

Natural na sa akin ‘yun. ‘Pag hindi na ako kinabahan mas natatakot ako. ‘Pag kinakabahan ako, tiyak sasabihin ko maganda ‘yung ginagawa natin.

“So I’m very thankful sa lahat ng bumubuo ng GMA, at sa ating mga direktor, direk Enzo and Frasco. Sa lahat ng mga bumubuo ng cast na talaga naming… of course Beauty ang galing-galing niya, nagampanan niya ‘yung role niya bilang Gloria.”

Si Gloria ang asawa ni Bartolome o Tolome na ginagampanan siyempre ni Bong sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na ang mga direktor ay sina Enzo Williams at Frasco Mortiz.

Kasama rin sa cast sina Kate Valdez, Kelvin Miranda, Nikki Co, ang baguhang Sparkle actress na si Angel Leighton at si Raphael Landicho na napapanood din sa Voltes V: Legacy.

Mapapanood din sa upcoming action-comedy series ang mga batikang aktor na sina Niño Muhlach, Jeric Raval, at Maey Bautista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …