ni Ed de Leon
NATAWA kami roon sa isang bagets na starlet. Niyaya siya ng isang bading sinamantala naman niya, siningil niya ng P10k. Pumayag naman ang bading.
Pero basta nagbayad siya ng P10K natural lang na susulitin niya iyon. Kung hustler ang lalaki, asahan mo hustler din ang bading.
Nang nagse-sex na sila panay ang selfie ng bading. Pagkatapos kinunan pa ng video ang bagets na starlet. Palagay ninyo, ano ang gagawin ng bading sa mga picture at video na iyon? Eh ‘di ipagmamalaki niya sa kanyang mga kakilala na nahala niya ang starlet at binayaran niya iyon ng malaking halaga.
At para maniwala sila, ipakikita niya ang ebidensiya hindi ba? Pero siguro kung hindi niya hinustle sa pera ang bakla, baka itinago pa niyon na call boy siya.