RATED R
ni Rommel Gonzales
DAHIL sa isang convenience store iikot ang istorya ng Open 24/7, tinanong namin si Vic Sotto kung sa tunay na buhay ba ay nakapasok o nakabili na siya sa loob ng isang convenience store.
“Ahhh pinakahuling punta ko sa convenience store sa Lawson, bandang Osaka kanto ng Tokyo,” pagbibiro ni Vic na pagtukoy sa Lawson na isang convenience store chain na nag-originate sa Amerika pero ngayon ay sa Japan na ang pinaka-main base.
“Hindi, yung mga ano, siyempre naman, kunwari mga, ano ba pangalan ng mga convenience store, ‘yung mga 7-Eleven, Family Mart, nakabili na ako, nakakapunta naman ako.”
At dahil unang beses nilang magkakasama ni Maja Salvador sa isang sitcom, kinumusta namin kay Vic kung paano katrabaho ang aktres.
“Ay naku,” umpisang bulalas ni Vic, “grabe!
“Si Maja naman we were together for almost two years eh, sa ‘Bulaga’ ano, sa ‘Eat Bulaga,’ so, tapos kababata pa niya si Pauleen (Luna na misis ni Vic), close sila, so hindi na siya iba sa akin, eh.
“So when we…noong nagka-casting kami, kasama si Maja, palagay na kaagad ang aking loob dahil alam ko naman, alam natin na she’s a versatile actress.
“Hindi lang magaling umarte, magaling kumanta, magaling sumayaw, ewan ko lahat na, eh.”
Makakasama nina Bossing Vic (as Boss EZ) at Maja (as Mikaela) sa Open 24/7 sina Jose Manalo bilang Spark, ang Sparkle Sweethearts na sina Sofia Pablo bilang Kitty at Allen Ansay bilang Al at sina Riel Lomadilla bilang Bekbek, Anjay Anson bilang Andoy, Kimson Tan bilang Kokoy, Abed Green bilang Fred, at Bruce Roelandbilang Doe.
Sa direksiyon ni JR Reyes at mula sa GMA at M-Zet Productions napapanoood ito tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng Magpakailanman.