Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang smuggled goods na tinatayang ang halaga ay aabot ng PhP900 million sa Plaridel, Bulacan nitong Mayo 26.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga ahente mula sa Manila International Container Port (MICP), Intelligence Group, at Enforcement Group, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard.

Sa pamamagitan ng Letter of Authority na nilagdaan ni Commissioner Bienvenido Rubio, ang composite team ng BOC ay ininspeksiyon ang bodega na matatagpuan sa Plaridel, Bulacan.

Nakipag-ugnayan ang BOC sa mga lokal na opisyal ng barangay at Philippine National Police upang mapasok ang sinasabing bodega ng mga smuggled goods.

Sa masusing pag-iinspeksiyon sa lugar, natuklasan ng BOC ang mga nakatagong sigarilyo, gayundin ang iba pang mga kalakal, housewares, kitchenware, at mga pekeng kalakal na iligal na  iniangkat sa bansa.

Sa kawalan ng linaw na makapagpakita ng mga kinakailangang dokumento, kabilang ang  patunay na pagbabayad at tungkulin sa pagbubuwis, gayundin ng importation permits ay kaagad gumawa ng aksiyon ang BOC sa pamamagitan ng pansamantalang pagharang at pagsasara ng bodega.

Ayon pa sa BOC, ang may-ari ng nasabing bodega ay binigyan nila ng 15-day period upang magpakita ng kinakailangang documentary evidence.

Sinabi pa ni Commissioner Rubio na, “The Bureau of Customs remains steadfast in its commitment in combating smuggling activities and protecting the interests of the general public. This operation demonstrates our determination to safeguard the integrity of our borders and ensure compliance with our customs laws.”

Hinimok din ng BOC  ang publiko na isumbong ang mga pinaghihinalaang smuggling o illicit trade activities upang makatulong sa ‘fair and transparent business environment’ sa bansa.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …