NAGLUNSAD ng debut single ang dating Idol Philippines season 2 contestant na si Misha De Leon, ang Damdamin.
Ang kanta ay ukol sa pinagdaraanan ng matalik na magkaibigan na humaharap sa pagsubok ng pag-ibig. Si Jungee Marcelo ang sumulat at nagprodyus ng kanta.
“The song ‘Damdamin’ really hits me right in the feels, you know? It’s a groovy song that depicts a person who isn’t ready for a romantic relationship with someone, and it makes me imagine the emotions of that person who rejected the one who confessed their feelings,” kuwento ni Misha.
Tulad ng ibang kabataan, naranasan na rin niya ang malagay sa parehong sitwasyon tulad ng nakapaloob sa Damdamin.
“It was quite a rollercoaster, filled with ups and downs. However, I believe in the importance of timing,” diin niya. “I believe this track would resonate with a lot of people, especially young adults o kabataan na hindi pa ready para sa isang relationship.”
Pagkatapos ng kanyang stint sa Idol PH, excited ang baguhang Kapamilya singer na magkaroon ng sariling musika. Aniya, mayroon siyang ‘melting pot of inspiration’ mula sa iba’t ibang musical influences.
“From the soulful sounds of Amy Winehouse and Kz Tandingan, to the electrifying beats of BTS and Arctic Monkeys, and even the timeless classics of Adele and Rihanna, my musical taste is diverse. I’m always open to exploring different styles and vibes to help me learn more about my own style and genre,” pagbabahagi ng bagong Star Pop artist.
Pakinggan ang Damdamin single ni Misha na available na ngayon sa iba’t ibang music platforms.