HINDI pa tapos ang pagpapahayag ng kani-kanilang saloobin ukol sa binuksang usapin ni Lolito Go kay Moira. Pagkatapos matapang na isiwalat ng una ang tunay na dahilan ng hiwalayan ng dating mag-asawang Moira at Jason Hernandez at ang ukol sa ghostwriter, ipinagtanggol at sinagot ito ng kaibigan at management ni Moira mula sa Cornerstone Entertainment, si Jeff Vadillo.
Pagkaraan ay sumagot si Lolito, nagbanta naman ng demanda ang abogado ng kampo ni Moira.
Maging si Moira ay nagpahayag na rin ng kanyang saloobin at ang latest ay ang litanya ni Lolito para sagutin ang pagtatanggol ni Racquel dela Torre sa anak na si Moira. Nagkaroon daw ng heart to heart talk ang ina ni Moits at si Lolito.
Sa mensahe ni Lolito sa kanyang status sa FB, sinabi nitong nakausap niya ang ina at ama ni Moira. Anito, nagkaiyakan daw sila ng mga magulang ng Kapamilya singer-songwriter at nabigyang linaw ang mga bagay-bagay na bumabalot sa kontrobersiya.
Ani Lolito, ”Right after writing this (sagot sa pagtatanggol ni Gng. Racquel kay Moira), I had a heartfelt, tearful talk with Tita Raquel and Tito John.
“Maraming bagay ang nalinaw. Lumuwag ang mga puso namin. Sana magpatuloy na lang yung ganitong peace.
“Nasabi ko na rin sa kanila ang mga bagay na hindi ko mabanggit sa social media. Moira’s parents are indeed people of God. God was in the middle of us during the talk.”
Sinabi rin ni Lolito na pinaninindigan niya ang ipinost niya sa FB ukol sa pagkakakilala niya kay Moira at sa ginawang pagtatanggol sa dating asawang si Jason.
“Uulitin ko ang sinabi ko sa original post at paninindigan ko ito, we sometimes need dissonance to achieve harmony. We sometimes have to wage war to achieve peace.
“I needed to call out what needs to be called out. Sana matapos na ito dahil mga marites lang naman ang nag-eenjoy. We will settle things privately. At alam kong makakamove-on din tayong lahat,” ani Lolito.
Narito ang ilang bahagi ng sagot ni Lolito sa pahayag ng nanay ni Moira.
“Hi Tita Raquel,
“1. You are insisting na mag-ghostwriter.”
“Hindi po insisting. Suggesting. There had been prior talks and I ‘might have’ initiated the idea of ghostwriting. Kasi nga po, hindi nya na ako nababayaran, hindi pa nakecredit. I only suggested that once. Then after a while, sya na itong nag-alok. Wala sya idea magkano iaalok sa akin. May tawarang naganap.
2. Sa issue ng pangungutang.
It breaks my heart na kelangan ko pa humiram sa kanya. Multiple times. Multiple times ding denied. There was only one instance na nagrant nya. When I was about to pay, she insisted na wag ko na bayaran.
“Tita Raquel, hindi nya po ako nabayaran sa song na Pahinga. She used that song sa Braver tour. Pati sa concerts abroad. Malaki kinita ng Patawad Album. Pero wala man lang binigay sa akin kahit yung tinatawag na mechanical royalty. Tapos co-composer na sya ng song just by tweaking a few lines.
“Kung gusto nya ako magshine or kung gusto nya ako tulungan, she could have given me proper credits. That it was my music and my lyrics at additional lyrics lang ang kanya. Sobrang dami ko pa po ipopost na resibo. I gave you a chance sa private message para sana ihold back ko na. Pero ayaw nyo po ako sagutin.
“Nu’ng nagmakaawa rin ako sa kanya dahil nakaratay ang tatay ko, kahit piso di sya nagbigay. Hanggang sa namatay ang tatay ko, kahit pisong abuloy wala. Marami raw kasi syang gastos. Pero lakas ng loob nyang tawagin akong friend, kakampi. Then sa testi ng ibang friends, generous naman sya and she gives proper credits.
“3. Kahit umabot po sa demandahan, mapaninindigan ko ang laban na to.
“May pattern of lying po ang anak nyo, sorry. At alam kong bilang magulang alam nyo rin yan. I gave you a chance na manahimik na lang sana ako. Sorry po. Alam ng asawa ko na iniiyakan ko yung thought na masasaktan ko kayo ni Tito John. Kasi napakabuti nyo pong mga tao. I swear to God umiiyak ako ngayon.”