Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil
Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil

LizQuen hiwalay na

KINOMPIRMA na ng dating manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na hiwalay na ito kay Enrique Gil.

Sa Showbiz Update nito sa Youtube, tinalakay nina Ogie at kasamang si Mama Loi ukol sa hiwalayan ngLizQuen.

Ani Mama Loi, “Heto na marami ang nagko-confirm na hiwalay na sina Liza Soberano at Enrique Gil!  Totoo ba ‘yun ‘Nay (Ogie)?”

Sagot ni Ogie, “Naku, ‘yan na nga ang sinasabi ko. Actually nakarating din sa akin ‘yan na split o break na sina Enrique Gil at Liza Soberano.

“Okay parang nag-ugat ito Loi roon sa mga pronouncement o mga nakaraang interviews ni Liza na never niyang binanggit si Enrique Gil.

“Tapos ‘yung parang hindi pa siya pabor sa pagtatatag ng loveteam, isa rin ‘yun. Kaya nagkaroon ng agam-agam na baka nga wala na sila dahil una, hindi niya ipinagmamalaki ang boyfriend niya, kasi kung ano (sila pa) magpo-post ‘yan si Liza.

“Tapos noong birthday ni Enrique wala ring greeting si Liza online pero nanatiling tahimik sila pareho sa isyung ito. Parang iyon na lang ang kongklusyon ng karamihan lalo na ng mga sumusubaybay ng LizQuen kung wala na ba talaga sila?” mahabang litanya ni Ogie.

“Ang nakarating sa atin ay si Enrique Gil daw ay nagpu-push pa na baka kaya pa o posible pang maituloy habang si Liza ay gusto pa ring tuparin ang kanyang Hollywood dream.

“Isa pang nakadagdag diyan Loi ay ‘yung hindi alam ni Enrique Gil na dumating pala rito si Liza at sinundo siya ng management niya,” sabi pa ni Ogie.

“Sana hindi totoo na hiwalay na sila. Kung mayroon mang hindi pagkakaunawaan sana ma-patch up nila, ilang taon din sila, eight years? Sayang din ‘yun. Ang importante naman sa isang relasyon ay nag-end up kayo as friends o kung hindi man  civil,” sambit pa ng dating manager.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …