Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, Bulacan matapos itong maaksidente nang biglang sumabog ang kanyang cellphone habang nasa biyahe.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Sharwen Ching Tai ang rider na nakahandusay sa kalsada at may paso sa bandang tiyan habang nasa gilid nito ang isang sunog na cellphone.

Sa ulat ng mga awtoridad, sinasabing sumalpok pa sa poste ang rider matapos sumabog ang cellphone nito.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nawasak ang motorsiklo at nabasag ang helmet ng biktima na kasalukuyang comatose sa isang ospital.

Ayon naman sa isang beteranong Electrical Engineer, posible umanong pinasukan ng pawis ang cellphone na siyang dahilan ng pagsabog nito..

Pinayuhan naman ng mga eksperto ang publiko na ilagay sa belt bag o anumang ligtas na lalagyan ang cellphone kapag bumibyahe. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …