Sunday , December 22 2024
ABS-CBN Kapamilya Online Live

3 Primetime shows ng ABS-CBN winasak viewership record sa KOL

NAGTALA ng panibagong all-time high online viewership record ang tatlong primetime shows ng ABS-CBN sa loob lamang ng isang gabi noong Martes (Mayo 30) para sa Kapamilya Online Live sa YouTube

Back-to-back ang record-breaking nights ng FPJ’s Batang Quiapo na nakakuha ng 408,614 live concurrent views. Isang makapigil-hiningang episode ang nasaksihan ng mga manonood matapos mamatay ni Greg (RK Bagatsing) sa salpukan sa grupo ni Tanggol (Coco Martin).

Tinutukan din ng viewers ang patuloy na misyon ni Apollo (Richard Gutierrez) sa The Iron Heart sa pagpapabagsak niya sa Tatsulok kaya naman nakamit nito ang panibagong all-time high live concurrent views na 304,208. Mas magiging kaabang-abang ang susunod na eksena ngayong napasabog na ni Adonis (Ryan Eigenmann) ang hideout ni Apollo at nalaman din ni Priam (Albert Martinez) na agent din si Eros (Jake Cuenca). 

Panibagong online record din ang nakamit ng Dirty Linen na may 149,410 live concurrent views. Lalong umiigting ang mga rebelasyon sa serye dahil nanganganib na mabisto ang paghihiganti ni Mila (Janine Gutierrez) ngayon na bantay-sarado ang pamilya Fiero sa mga pulis matapos ang pagkamatay ni Carlos (John Arcilla). 

Mula Pebrero hanggang Abril 2023, nagtala ng higit 642 milyong total views ang tatlong Kapamilya primetime shows sa Kapamilya Online Live. 

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …