Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bruce Roeland Vic Sotto

Newbie star ‘di makapaniwalang makakasama si Vic Sotto

RATED R
ni Rommel Gonzales

IN shock pa rin ang guwapong Sparkle star na si Bruce Roeland dahil kasama siya sa isang show ni Vic Sotto.

Iyon nga, hindi pa rin ako makapaniwala, eh!

“Like it’s one in a million times opportunity talaga na si Bossing Vic ang makakasama so it’s a blessing, it’s a blessing talaga.

“And I thank GMA for this opportunity, I thank everyone from M-Zet Productions and siyempre I thank Papa God for this amazing opportunity.

“Yeah, super-excited,” ang masayang wika pa ni Bruce.    

Ano ang nakita o naobserbahan niya sa pakikipagtrabaho kay Vic?

Sobrang relaxed niya pagdating sa set. Na parang hindi niya iniisip na trabaho iyon, na parang ‘yung role niya parang siya talaga iyon, ‘yung ipinakikita niya sa screen.

“Nakita ko na professional talaga, eh. Na it’s part of his body, ‘yung pagiging aktor,” saad pa ni Bruce.

Female lead sa Open 24/7 si Maja Salvador bilang si Mikaela at makakasama rin nina Vic (bilang Boss EZ), Maja, at Bruce (bilang Doe) sina Jose Manalo bilang Spark, ang Sparkle Sweethearts na sina Sofia Pablo bilang Kitty at Allen Ansay bilang Al gayundin sina Riel Lomadilla bilang Bekbek, Anjay Anson bilang Andoy, Kimson Tan bilang Kokoy, at Abed Green bilang Fred.

Sa direksiyon ni JR Reyes at mula sa GMA at M-Zet Productions at napapanood na ang Open 24/7 simula niong May 27, pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA-7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …