Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jake Cuenca

Jake Cuenca nagkakasakit na sa dami ng trabaho

RATED R
ni Rommel Gonzales

NANININDIGAN si Jake Cuenca na loveless pa rin siya hanggang ngayon. Bida sina Jake at Sue Ramirez sa Jack and Jill Sa Diamond Hills.

Si Sue, sa tunay na buhay ay may “Jack” na, boyfriend niya si Mayor Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental.

Kaya tinanong namin si Jake kung siya ba ay may ‘Jill’ na sa tunay na buhay?

Wow,” umpisang bulalas ng hunky actor.

Wala, wala pa. Parang ano eh, hindi, wala pa. But right now I think, ang dami kong ginagawa to be honest and parang… nagkasakit nga ako,” at natawa si Jake, “nagkaroon na ako ng, ‘The show must go on!’ moment habang ginagawa ko ‘yung play, may sakit na ako, hindi ko na alam kung kaya kong gawin.

“But we did it, ‘di ba.” pagtukoy ni Jake sa katatapos lamang na sexy play niyang Dick Talks na kasabay naman ng taping niya para sa Jack and Jill Sa Diamond Hills.

It will come at the right time, I think,” sagot niya pa tungkol sa pagkakaroon ng karelasyon.

At saka parang for now parang I’m happy with my current situation.”

Kahit pakikipag-date ay hindi ba niya ginagawa sa ngayon?

Ahhh I’m open to it, ‘di ba, I’m open to it pero for now parang this is no time, wala talagang time, eh. Kakatapos lang niyong play ko and then we’re here now, [sa Jack and Jill Sa Diamond Hills], but I’m grateful for this.

“Kumbaga eto ‘yung mga tipong mga problema na I’d like to have, alam mo ‘yun?

“Na sa gitna ng pandemya sana ito ‘yung problema ko noon, parang ganoon,” at natawa si Jake na ang tinutukoy ay ang pagkakasakit dahil sa dami ng trabaho. 

Sa direksiyon ni John ‘Sweet’ Lapus, gumaganap na mga pulis sina Jake at Sue sa Jack and Jill Sa Diamond Hills at napapanood sa TV5 tuwing Linggo, 6:00 p.m.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …