Sunday , November 17 2024
Child Haus

Gift Giving at Feeding proj ng TEAM sa Child Haus ni Mader Ricky Reyes, matagumpay!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGING matagumpay ang Gift Giving and Feeding project ng TEAM (The Entertainment Arts & Media) sa Child Haus, Manila last May 28, 2023.

Ang ganitong klase ng charity project ay ginagawa ng TEAM taon-taon.

Ang C.H.I.L.D. Haus o Center for Health Improvement and Life Development Haus, ay ang first and only temporary home sa mga batang may cancer. Ito ay matatagpuan sa Agoncillo Street, Paco, Manila.

Sa pamamagitan ng the initiative ng Ricky Reyes Foundation, ang CHILD Haus ay nilikha para magbigay ng pahingahan sa cancer-stricken children mula sa mga lalawigan na nangangailangan ng financial support para sa kanilang pagpapagamot at tahanang matitirhan.

Nagsimula ang event ng TEAM sa isang misa, pagkatapos ay nagkainan na. Then nagkaroon ng bigayan ng gifts at kaunting entertainment.

Nakatanggap ang mga taga-Child Haus ng mga pagkain, bigas, powdered milk, toiletries, soap, vitamins, energy drink, at iba pa. Pati na mga regalong stuffed toys, chocolates, Beautederm products, at balabal.

Nag-perform sa event sina Shira Tweg, Krista Jocson, Janah Zaplan, Erika Mae Salas, Jhassy Busran, and Heindrick Sitjar, MJ Manuel, Russ Garcia, and Kheiyzer Arena.

Maraming salamat po sa nagpahatid ng major support, sa pangunguna ng Beautederm CEO Ms. Rhea Anicoche Tan, Manila VM Yul Servo Nieto’s Kusina Manileño, Kuya Boy Abunda, Sir Bryan Dy, Ms. Len Carrillo of 3:16 Media Network, Alina Sison of Dadas Litson, Konsehal Alfred Vargas, Usec Niña Taduran, at Sunshine Cruz.

Pati kina Ms. Lorna Tolentino, Aiko Melendez, Julia Clarete, Angelu De Leon, Direk Adolf Alix, Direk Jerry Sineneng, Ronnie Liang, Richard Quan, Direk Romm Burlat, Mojack Perez, Angelika Santiago, Zara Lopez, Imelda Papin, Emma Cordero, Massimo Scofield, Andrew Gan, Olga Lyttle, Azenith Briones, movie producer Teresita Tolentino Pambuan, Zelia Grace Kuramoto, Boyet Zaplan, Zenie Mangalindan, Sabel and Lizzie Aguinaldo, Konsehala Ina Sarosa, Ejay Fontanilla, Hannah Nixon, and many more, Maraming salamat po sa inyong lahat.

Ang aming taos-pusong pasasalamat din sa ipinadalang sacks of rice from Busran family-Jhassy, mommy Mhae, daddy Jamil & Jhastine, bags of chocolates from Sandbox Chocolates and Convenience Store mula sa Salas family-Erika Mae, mommy Lilibeth & daddy Emil. Pati na kina Shira Tweg and Mom Tine Areola sa napakasarap na Bait Lehem Breads na pinagsaluhan ng lahat. 

Special thanks po kay Rev Fr Sal Anthony dumabok, MNSA & Rev. Fr Eleno Nemis, FSHF, who officiated the mass.

Maraming salamat kay Mader Ricky Reyes sa pag-accommodate sa TEAM at kay Ms. Daydee Tan Castillo, Admin staff ng Child Haus.

Lubos na nagpapasalamat ang TEAM na nakapagbigay nang kaunting saya at dagdag na pag-asa sa mga may karamdaman sa Child Haus.

Binubuo ang TEAM nina Maridol Bismark, Anne Venancio, Obette Serrano, Wendell Alvarez, Pilar Mateo, Cesar Ian Batingal, Boy Borja, Jhay Orencia, Noel Orsal, Tonee Coraza, Maria Luz Candaba, Roland Lerum, Danny Vibas, Maryo Labad, at Nonie Nicasio.

About Nonie Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …