Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yvonne Benavidez

Lady boss ng Mega-C na si Yvonne Benavidez, ibabalik ang kanyang negosyo  

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATATAG pa rin ang lady boss ng vitamins na Mega C na si Yvonne Benavidez kahit na may mga pinagdadaanang pagsubok.

Nang nakapanayam siya last week ng mga taga-entertainment media, narito ang ipinahayag niya.

Panimula ni Ms. Yvonne, “Nandito po si Tita Mega C, magbabalik siyempre para sa ating produkto na Mega C Vitamins

“Ang latest pong balita, well, para rin po malaman nyo kung ano ang inabot ko sa mga taong nanloko sa akin. Nakilala ko po siya thru rin po mga business partners ko sa Mega C. Okay naman siya noong una po, pero bandang huli, lahat nang inayos sa Mega C, parang kinokontra niya o ginugulo niya.”

Ang tinutukoy ni Benavidez ay ang taong ginawa niyang presidente sa Mega C at pinahawak ng kanyang kompanya at pinagkatiwalaan niya.

“Ako naman siyempre ay natutuwa ako na hindi na ako mahihirapan na palaguin nang husto ang Mega C natin, although little by little ay nakaka pick up naman po ang vitamins natin, dahil marami pong promo at masaya po ako na nate-take ng masa at tinatangkilik ng masa ang vitamins ko.

“Ang maganda kasi sa vitamins na iyan, kumbaga talagang quality po ang vitamin ko, makikita nyo naman sa akin ang magandang epekto nito.

Hindi pa ako nagsasalamin at ang balat po natin, makikita nyo naman. All natural ito at very effective talaga.”

Pagpapatuloy pa ni Ms. Yvonne, “Pero nahinto nga ang production nito, dahil kailangan ko raw ng fresh capital, since naubos na ako sa kapo-promote. Dahil nag-sponsor pa ako ng golf tournament…

“Pati mga anak ko ay na-trauma dahil sa karanasan kong ito, na ang bahay ko ay ‘natokhang’, natigil ang production ng aking Mega C na dahil kailangan daw ng fresh capital. Hanggang sa binulungan ako na parang sabi nila ay mag-mortgage ako ng bahay ko, pero natapat tayo sa loan shark.”

Mayroon daw ongoing na demanda sa mga gumawa sa kanya ng malasado at hahabulin daw ni Ms. Yvonne ito para maayos niya ang lahat.

Ang Mega C ay mas nakilala noon nang naging endorser nito ang kilalang TV host na si Boy Abunda.

Abangan na lang ang pagbabalik ng vitamins na Mega C na sa panahon ngayon ay kailangang-kailangan nating lahat para mapangalagaan ang ating health.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …