Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Valerie Concepcion Heather Fiona

Valerie nasaktan nang hanapin ni Fiona ang ama

RATED R
ni Rommel Gonzales

DALAGA pa lang noon si Valerie Concepcion ay naging ka-close na namin kaya naunawaan namin kung naging emosyonal siya nang ihayag ang sakit na kanyang naramdaman nang malamang hinanap ng anak niyang si Heather Fiona ang tatay nito.

Magso-sorry ako kasi she’s 18 now and may time na hinahanap niya ‘yung tatay niya. So siguro ang iso-sorry ko is ‘yung hindi ko naibigay sa kanya ‘yung normal na family na dapat,” madamdaming pahayag ni Valerie sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.

Tina-try ko so hard to be a mom and dad to her.

“It pains me noong nalaman ko na hinanap niya ‘yung tatay niya kasi feeling ko, hindi ako enough. Hindi ko naibigay ‘yung lahat para hanapin pa niya ang tatay niya,” pagpapatuloy ni Valerie.

Ngunit ngayon, naunawaan na niya kung bakit ito ginawa ng kanyang anak.

But of course she doesn’t make her love me less just because she’s looking for her father. She just really wants to know where she came from, her roots, and her story. Now I understand that,” saad ng aktres.

Inilahad din ni Valerie na sinubukan niyang kausapin ang dati niyang partner na si Jeremy Carag.

We tried reaching out. I tried telling him, that ‘our daughter is ready to meet you. She told me she’s ready,’ but I didn’t get a response, sadly,” saad niya.

Ayon pa kay Valerie, wala silang komunikasyon ng dating partner.

Sa kabila nito, hinikayat ni Valerie si Fiona na huwag pa ring magalit sa ama nito.

I always tell her don’t be mad at your dad because no matter what happens bali-baligtarin mo ang mundo, tatay mo ‘yan, you have to respect. But of course hindi mawawala sa bata na nasaktan siya at na-disappoint siya,” ani Valerie.

So if may iso-sorry ako, siguro ‘yun, ‘yung wala kasi akong kontrol doon eh,” dagdag niya.

Mapapanood si Valerie sa Kapuso series na Seed Of Love.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …