Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Licauco Barbie Forteza

David at Barbie ibinunyag sikreto pagpunta sa isang malamig na lugar 

ITO na ‘yung sikreto na binanggit sa amin dati pa nina David Licauco at Barbie Forteza tungkol sa tanong namin kung saan sila magsa-summer vacation.

Ang pamisteryosong sagot ni Barbie sa amin, sa isang malamig na lugar at kasama niya si David, na sinang-ayunan ng binata.

Trabaho pala ang tinutukoy l nina David at Barbie na hindi pa nila masabi noon ang mga detalye dahil bawal pa.

But now, it can be told. Lumipad na sina David at Barbie papuntang South Korea para simulan ang shooting ng kanilang pelikula na That Kind of Love.

Kaya naman excited na ang fans ng Team BarDa para sa kauna-unahang pelikula ni Barbie at ni David.

Bumiyahe na patungong South Korea noong May 21 ang dalawang Kapuso stars para simulan ang kanilang upcoming romantic comedy film.

Inamin ni David kung gaano siya ka-excited para sa kanilang first big screen project.

Super excited of course, siyempre it’s with Barbie and such a pleasure to work with her. I’m really excited for that,” pahayag ng guwapong Sparkle male star.

Samantala, pagbalik nina Barbie at David mula South Korea ay sisimulan naman nila ang kanilang susunod na pagbibidahang Kapuso serye.

Ani David dapat abangan ang naiiba niyang karakter.

Halos lahat ng shows ko, lahat ng mga character ko mostly mayaman. This time it’s different so it’s something to look forward,” lahad pa ni David.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …