Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman Fall Guy

Sean de Guzman tuloy-tuloy sa paghataw ang career, sumabak na rin sa pagnenegosyo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ng guwapitong si Sean de Guzman.

Palabas na ang pinagbibidahan niyang pelikula sa Vivamax titled Fall Guy. Mula sa award-winning director na si Joel Lamangan, dito nanalo ng dalawang acting trophy si Sean, both as Best Actor sa Chithiram International Film Festival sa India at sa Anatolian Film Awards sa Turkey.

Co-stars dito ni Sean sina Vance Larena, Quinn Carrillo, Tiffany Grey, Marco Gomez, Tina Paner, Glydel Mercado, Hershie de Leon, Shamaine Buencamino, Cloe Barreto, Jim Pebanco, at iba pa.

Ang next na aabangan sa kanyang pelikula ay ang A Cup of Flavor ni Direk Ma-an Asuncion Dagñalan, pati na ang Sa Kanto ng Langit at Lupa ni Direk Joel Lamangan.

Samantala, niluluto na ng kanyang very supportive at mabait na manager na si Ms. Len Carrillo ang next project ng aktor. Ito ay pamamahalaan ni Direk Louie Ignacio na pinamagatang When The Night Is Young sa Viva One.

Ipinahayag ni Sean na happy siya sa nangyayari sa kanyang career, ngayon.

Aniya, “Siyempre po nakakatuwa and nakaka-proud din, siyempre dapat na nag-iimprove tayo sa ginagawa natin. Ayaw ko naman pong ma-stuck sa image na sexy.”

“Yes po, puwede naman tayo sa pang-wholesome at pang-sexy na projects,” nakangiting dagdag pa ni Sean.

Nalaman din namin kay Sean na nag-aaral siya ng culinary ngayon at sumabak na rin siya sa pagnenegosyo.

“Six months din akong nagpahinga, nag-aaral po ako ngayon ng Culinary, short course lang po. Sa ngayon ang iniluluto ko sa bahay lang ay adobo at sinigang. Preparation din po ito dahil balak kong magtayo ng restaurant,  Sa ISCAHM (International School for Culinary Arts and Hotel Management), po ako nag-aaral.”

“Tapos, nagtayo po kami ng Goto Baby, Ihawan sa Town. Actually business iyon ni Mama, pero tinulungan ko si Mama sa pagpapatayo ng business, para may ginagawa na rin si Mama.

“Iyong T-shirt (business), ibinalik ko na po, may ilalabas akong mga T-shirts, nasa production na iyong mga T-shirt at very soon ay magiging available na siya online,” kuwneto pa sa amin ni Sean.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …