Friday , November 15 2024
Liza Dino Tirso Cruz III

Liza Dino itinanggi pagwaldas sa pera ng FDCP, pagdiskaril sa pagkakatalaga kay Pip

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI lang ang sinasabing walang habas niyang pagwawaldas ng pera ng bayan noong siya pa ang Chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pinasinungalingan ni Liza Dino kundi pati ang bintang ng ilang insiders mismo ahensiya na tinangka rin niyang idiskaril pati ang take over ni Tirso Cruz III kahit na naitalaga na iyon ni Presidente BBM. 

Nang sabihin daw kay Liza ng isang empleado ng FDCP na dumating na angappointment ni Pip, sinigawan umano ang empleado, inutusang isarang muli ang envelope na naglalaman ng appointment at sinabihang huwag sasabihan o tatawagan si Pip na naroroon na ang kanyang appointment.

Inakusahan pa raw niya ang empleado ng insubordination. May nagsasabing baka kaya ganoon ay dahil sa kanyang meeting sa noon kay executive secretary na si Vic Rodriguez. Iginiit daw ni Liza na binigyan pa siya ni Presidente Digong ng bagong three year appointment bago iyon bumaba sa puwesto na inaasahan naman niyang kikilalanin ni PBBM. 

Kaso nga hindi, at pinayagan lang siya ng executive Secretary na makapanatili sa puwesto hanggang sa lumabas ang official appointment ni Pip bilang chairman. Iyon umano ang dahilan kung bakit gusto niyang i-delay ang appointment. May nakatakda pa siyang biyahe patungo sa Cannes France. Pero hindi na rin nangyari iyon. Una hindi na siya makakapirma ng kahit na anong order at maging mga tseke ng FDCP kung mayroon mang babayaran dahil may kapalit na siya at para sa ibang sangay o ahensiya ng gobyerno wala na siya sa puwesto. 

Pero sa kanyang bagong statement pinasinungalingan niya ang lahat ng iyon. Mas magiging maliwanag iyan sa paglalabas niya ng isang official statement.

About Ed de Leon

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …