Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mavy Legaspi Kyline Alcantara Mikael Daez Megan Young

Kapuso artists dinumog sa masayang Kapuso Mall Shows   

RATED R
ni Rommel Gonzales

TIYAK na naging unforgettable ang weekend ng mga Kapuso sa Davao at Bataan dahil sa masayang Kapuso Mall Shows na dinaluhan ng mga paborito nilang artista.

Binalot ng kilig ang Gaisano Mall of Toril, Davao City noong Sabado (May 20) dahil sa mga sorpresang inihanda nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na mga bida ng upcoming show na Love Is: Love at First Read.

Bumilib naman ang mga Dabawenyong nakisaya sa Gaisano Mall of Tagum, Tagum City noong Sabado rin sa nakaaaliw na performances ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young na parehong cast ng upcoming teleserye na Royal Blood. 

Hiyawan at palakpakan naman ang sumalubong sa cast ng Voltes V: Legacy na sina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Raphael Landicho, Matt Lozano, at Ysabel Ortega sa Vista Mall Bataan, Balanga City, Bataan noong Biyernes (May 19). 

Ganoon din ang naging pagsalubong ng mga Kapusong Bataeno na nakikanta’t nakisayaw sa Vista Mall Bataan, Balanga City, Bataan noong Sabado kasama ang cast ng The Write One na sina Bianca Umali, Royce Cabrera, Alma Concepcion, Kokoy de Santos, Analyn Barro, Migs Villasis, Yvette Sanchez, at Karenina Haniel.

Abangan ang iba pang Kapuso artists na dadayo sa iba’t ibang regions sa bansa para magbigay-saya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …