Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Wanted na manyakis, nasakote

Arestado ang isang most wanted person na may kaso ng maramihang pang-aabuso sa isinagawang manhunt operation ng Bulacan police sa Iloilo City kamakalawa.

Sa ulat mula kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang mga tauhan ng San Jose del Monte City Police Station (CPS) katuwang ang mga elemento mula sa RIU-6, PNP AKG Visayas Field Unit, Ilo-ilo Satellite Offfice, Balasan MPS, Sta. Barbara MPS, Ilo-ilo PPO, PRO6 RMFB6, 601st COY at Ilo-ilo 1st PMFC ay nagsagawa ng manhunt operation sa Brgy. Ipila Balasan, Iloilo City.

Sa inilatag na intel driven operation ay naaresto si Roneto Boholano, 41, na No.1 Most Wanted sa city level ng SJDM City at Provincial level 2nd Most Wanted sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Ipil, Balasan, Iloilo City.

Si Boholano ay may outstanding warrants of arrest para sa krimeng Rape, Acts of Lasciviousness at 37 counts ng Sexual Assault alinsunod sa Section 5(b) ng R.A. 7610 na walang itinakdang piyansa ang hukuman para siya ay makalayang pansamantala.

Matapos sampahan ng maramihang kaso ng pang-aabuso sa Bulacan ay nagtago ang akusado sa Iloilo City kung saan siya natunton ng mga awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkaaresto. (Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …