HATAWAN
ni Ed de Leon
KAHAPON sa kuwentuhan namin ni Jerry Olea, nasabi niyang may interview siya sa isang grupo ng mga estudyante para sa isang thesis na gagawin ng mga iyon, at ang subject eh mga love team sa showbiz.
Pinakiusapan kami ni Jerry na sumama para mabigyan ang mga estudyante ng mas malawak na in sight dahil mas marami naman kaming love teams na naabutan at nakasama kaysa kanya dahil nga nauna kami sa ganitong trabaho.
Iba nga ang concept ng mga kabataan ngayon tungkol sa takbo ng showbusiness. Malayo sa katotohanan, kasi nga ang nakukunan lang naman nila ng inpormasyon ay social media, at pinaniniwalaan nila iyon kaya nagtataka sila bakit iba ang nangyayari sa showbusiness.
Ang paniwala nila sikat ni Liza Soberano at halos kapantay na ng popularidad noong araw nina Nora Aunor at Vilma Santos. Pero kung may artistang ganoon kasikat ngayon, bakit bagsak ang industriya?
Pero hindi nga ba ang pinakamadaling sagot diyan ay ang katotohanang walang artist ngayon ang ganoon kataas ang popularidad. Ang totoo, wala tayong artista sa ngayon na nakaabot na sa star level, silanga siguiro ang pinakasikat pero naroroon pa lang sila sa level ng mga starlet.
Bakit ganoon? Siguro dahil sa hindi sinasadyang pagsira nila sa star system. Sinira ng mga malalaking producers at networks ang star system, dahil hindi nila malaman kung bakit kailangan nilang
magbayad ng napakalaking talent fee sa mga star, ganoong marami namang maaaring gumawa ng trabaho na maliit lang ang bayad.
Nag-launch ang mga network ng napakaraming stars na gumawa ng walang tigil na talent search, ganoong hindi naman kulang ang mga artista. Ang dami nga nilang artista na hindi na rin nila mabigyan ng trabaho. Pinairal nila ang law of supply
and demand na mas maraming artista kaysa kailangan, bagsak nga naman ang presyo. Pero iba ang mga artista eh, hindi naman sila commodity, kaya dumami ang artista, nahati ang fans, walang sumikat na kagaya noong dati dahil nahati ang fans eh.
Walang artistang nagkaroon ng ganoon karaming fans para masabi mong isa nang
star, at dahil doon, nawalan nga sila ng batak sa audience kaya ngayon kamote ang mga pelikula at tv shows nila. Noon, ang mga mukhang Tsino at mga mukhang Bumbay, hindi gianagawang artista iyan, at iyan ay may kinalaman sa psyche ng audience.
Sa pasyche ng Pinoy, hanga sila sa mga “amo” kaya ang sikat iyong mga mukhang Kano at mukhang Kastila.
Nasanay sila na ang mga Tsino ay nasa isang sari-sari store, o nagtitinda ng taho, bicho-bicho at kung ano pang kakanin. Ang mga Bumbay naman nagbebenta ng plantsa o kaya naman nagpapautang ng
5-6. Eh ngayon ginagawa na nilang mga arrtista iyan, may fans naman na nakakagusto sa kanila, pero dahil sa psyche ng Pinoy, hindi ganoon kataas ang paghanga sa kanila, ayaw na ngayong magbayad ng P370 para mapanood ang sine.
Ang showbusiness ay sumisigla hindi dahil sa mga kung ano-ano lang fake news na nababasa sa social media. Ang showbusiness ay isang industriya at kailangang kumita. Kung hindi kumikita iyan
uurong ang mga namumuhunan, at ang kasunod jobless ang mahigit na 5,000 manggagawa na umaasa rito sa ikabubuhay nila at ng kanilang
pamilya. Iyan ang nangyayari ngayon.
Walang gustong mamuhunan nang malaki dahil mahina ang mga pelikula. Ang gingawa nila ay puro indie kung hindi man ang mahahalay na pelikulang inilalabas nila sa internet. Bagsak ang industriya. Ano
nga ba ang aasahan mo?
Ngayon sagutin natin ang “henyo”ng industriya na si Liza, kailangan nga ba natin ang love team para sumikat? Na kung
wala kang love team sorry ka na?
Ewan kung sino ang nagturo ng ganyan kay Liza, pero kung sino man iyon, mababa ang IQ niyon, below sa level.
Isang example si Aga Muhlach, pinasikat ba siya na may ka-love team? Bakit matindi ang kasikatan niya noon at hanggang ngayon sikat siya?
Bakit ang daming binuong love teams na hindi naman sumikat? Kaya maling paniniwala iyong kailangan ang ka-love team para sumikat.