Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hurry Up Tingson 2

HUT palabang hubadera, ipinagmalaking ‘di retokada

REALITY BITES
ni Dominic Rea

INSPIRING ang naging journey sa buhay ng bagong mamahaling sexy star na palaban at walang uurungang si Hurry Up Tingson.

Nasimulan na ni HUT ang kanyang karera bilang palabang misis ni Alvaro Oteyza sa pelikulang Sex Hub ni Direk Bobby Bonifacio Jr. na isang four episode series para sa pangmalakasang Vivamax.

Naku! Napakalalim ng pinagdaanan ko sa buhay. Ang dami kong pinagdaanan mula noong bata pa ako. Kasi, ipinanganak ako at lumaki ako sa riles ng tren sa Muntinlupa. 

“Maluha-luhang kuwento pa ni Inday na pinutol ko na muna ang usapin patungkol sa kanyang naging masalimuot na buhay noon para sa nalalapit kong pa-presscon sa kanya noh!

Pero wait! Bakit ba Hurry Up ang kanyang naisipang maging screen name na napakarami namang puwede pang maisip?

I’am in a hurry going up na makilalang bold star kasi! Ha! Ha! Ha!” bungisngis nitong walang prenong sagot sa akin.

Seryoso po? May recall po kasi. Kakaiba. Nakaiintriga, ‘di ba?” pa-baklang sagot ulit ni HUT.

Napakarami na nilang nagsulputang nagpapaseksing artista sa pelikula. Anong ipinagkaiba niya?

Kakaiba ako. Mas masarap. Mas malaman. ‘Wa ako ker. ‘Yung parang, sige, pagnasaan n’yo ang katawan ko, bigay ko katawan ko. Ganoon Mamsh! “ bulalas pa nitong tsika sa akin. 

Ilan lamang ‘yan sa naging laman ng aking tsikahan kay Hurry Up na inaming hindi siya retokadang bakla.

Totoong babae siya at kaya baklang-bakla at diretso kausap at prangka ay dahil mula sa pagkabata ay mga bakla na ang kaibigan niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …