Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lassy MC Chad Kinis Boobay Vice Ganda

Vice Ganda at Boobay sinuportahan pelikula nina Lassy, MC, Chad Kinis

RATED R
ni Rommel Gonzales

BONGGA sina Lassy, MC, at Chad Kinis dahil ang dalawang gay icons ng GMA at ABS-CBN ay kapwa dumalo sa premiere night ng kanilang pelikulang Beks Day Of Our Lives sa Cinema 2 ng SM Megamall nitong Lunes, May 15.

Ang tinutukoy namin ay ang Kapusong si Boobay at ang Kapamilyang si Vice Ganda.

Bukod sa dumalo ay pinanood at tinapos nina Boobay at Vice Ganda ang pelikula na first directorial job ni Chad Kinis para sa Viva Films.

Parehong busy sa kani-kanilang karera sina Boobay at Vice kaya ang akala namin ay sa umpisa lamang ng programa ng premiere night sila mananatili at aalis din kapag sinimulan na ang pelikula (tulad ng ginagawa ng ilang mga artista), pero hanggang sa matapo ang movie ay naroroon sila.

Matino at maayos ang pelikula, may patawa, may paiyak, at kung ano-ano pa.

For a first-time director, naitawid naman ni Chad Kinis ang Beks Days Of Our Lives.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …