Sunday , December 22 2024
NET25 Summer Blast 2023

Summer Blast 2023 lalong nag-level up, 120k nakilahok 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAHIGIT 120,000 katao ang nagtungo sa Philippine Arena Complex, Ciudad De Victoria, Bocaue, Bulacan nitong Mayo 13 para makilahok sa Summer Blast. Batay sa mga ulat, walang naging aberya sa trapiko dahil sa bagong sistema ng traffic flow management na ipinatupad.

Kung ang Chicago ay may Lollapalooza at ang California ay may Coachella, ang Pilipinas may Summer Blast! Tampok ang bigating concert experience, samu’t saring pasyalan, amusement rides, booths at summer-themed attractions, talaga namang nag-level up pa ang event ngayong 2023.

Nakisaya at nakikanta naman ang music fans sa performances ng mga bigating artists tulad ng Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy at si Gloc-9. Dinumog ang Philippine Sports Stadium na halos di mahulugang-karayom sa dami ng nanood.

Hindi lang ang mga manonood ang natuwa sa concert. Mismong ang mga artist, nagpahayag rin ng kanilang naging experience.

“Masyadong Masaya! Maraming salamat sa pagmamahal Hanggang sa muli!” sambit ni Gloc-9.

Hindi rin nagpahuli ang Silent Sanctuary na nag-post sa kanilang official page ng “It really was a blast!”

Nagtanghal rin ang Soapdish, Bandang Lapis, Sunkissed Lola, Dilaw, Jumanji, Calista, Lunar Lights, Eclipse, Goodwill at si Noah Alejandre.

Lumutang ang galing at charisma ng bandang Dilaw na sumikat sa kanilang kantang ‘Uhaw.’ Sakto sa tag-init ang kanta at ayon sa banda, na-excite sila sa dami ng nanood.

“We’re super excited, a bit nervous, it’s our first time playing in a venue like this. The idea of playing in a venue like this is very exciting,” pahayag ng banda sa isang interview.

Marami rin ang nabilib at napahanga sa bandang Sunkissed Lola. Ito umano ang unang beses na nakatugtog sila sa napakalaking crowd.

“It’s our first time performing sa ganito kalaking crowd. Sobrang overwhelming. Ang solid, ito yung pinakamagandang set-up ng stage,” sambit ng bandang Sunkissed Lola pagkatapos ng kanilang set.

“It was a surreal experience. Lined-up with legends and icons in the entertainment industry,” pahayag naman ng Eclipse.

Natapos ang concert sa isang nakamamanghang fireworks display na labis na ikinatuwa ng mga manonood.

Nasilayan naman ng fans ang NET25 artists gaya ng cast ng Quizon CT na sina Eric Quizon, Epy Quizon, Boy 2 Quizon, Vandolph Quizon, Bearwin Meily, Gene Padilla, Gary Lim, Martin Escudero, Yow Andrada, Charuth, Billie Hakensonn, Tanya, Donna Cariaga at Isabelle De Los Santos. Present rin ang cast ng GoodWill na sina Raymond Bagatsing, Devon Seron, David Chua, Smokey Manaloto, Ryan Rems, James Caraan, at Kat Galang, ang mamamahayag na si Alex Santos, TV host Love Anover, Atty. Sal Panelo, mga actress na sina Meg Imperial at Regine Angeles. Sina Alexa Miro, Jiro Custodio at Ai Dela Cruz ang nag-host sa concert. Inaliw naman nina Anthony Ocampo at Tonipet Gaba ang crowd sa pre-show ng concert.

Bago pa ang concert, nakapaglibot ang mga manonood sa iba’t ibang atraksyon na matatagpuan sa Philippine Arena complex tulad ng The Garden, Butterfly Garden, Airsoft Grounds, Museum of Death at House of Mirrors.

Nag-enjoy rin ang marami sa Inflatables, Trade Show, Game Booths, Water Fun at Car Show. Sinubukan naman ng mga magkakapamilya at magkakaibigan ang amusement rides na nagbigay ng thrill at excitement. Pinilahan naman ang Bazaar at Food Park na naroon din sa paligid ng venue.

Para naman sa mga hindi nakapanood sa mismong araw ng event, mabibigyan pa rin sila ng tsansang makisaya sa Summer Blast dahil ipalalabas ito sa NET25. Abangan ang detalye sa social media platforms ng istasyon.

Sa pagtutulungan ng pamunuan ng Philippine Arena, Maligaya Development Corporation at NET25, naging matagumpay ang kabuuan ng Summer Blast. Kabilang sa sponsors ng malaking event na ito ang UnionBank, Purefoods, Salem, Executive Optical, Ketopi Philippines, Reinoldmax (WSG Group), Pepsi PH, Godwin Catering, Sunwealth Land Development Corp., Kettle Korn, Eat’s Tukka Time, Max’s, Pacific Synergy Food and Beverages, Skinny Manufacturing Corp., Moon Leaf, MKS, Nature’s Spring, Kapelonggo. E-asypreneur, Canriv Corporation, YC Yummy Ventures, SSB Food Services Corp., Zandhats Express, Goshi Herbal Coffee at EW Villa Medica.

Para sa mas marami pang impormasyon, maaaring tumawag sa NET25 Sales and Marketing Department sa numerong 8784-7450 loc. 1162 o bumisita sa NET25 webiste, https://net25.com 

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …