Sunday , December 22 2024
Voltes V Legacy

Netizens mainit ang pagtanggap sa Voltes V: Legacy

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGING mainit ang pagtanggap at naki-volt in ang mga manonood kaya naging matagumpay at namayagpag sa TV ratings anf pilot week ng Voltes V: Legacy.

Nagsimulang ipalabas ang Voltes V: Legacy noong May 8 sa mga Kapuso channel na GMA, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Base sa preliminary overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng market research firm na Nielsen Philippines, panalo sa rating ang Voltes V: Legacy sa pilot week na mula May 8 hanggang May 12.

Noong May 8, nagmarka ang Voltes V team ng 14.6, at sa mga sumunod na araw naman ay 12.7, 13.6, 12.6, at 12.6. Lumilitaw na nakakuha ang Voltes V: Legacy ng average rating na 13.22 percent sa unang linggo nito.

Sa unang linggo ng Voltes V: Legacy, ipinakilala ang limang tagapagtanggol ng mundo laban sa mananakop na imperyong Boazania.

Dahil unti-unti na ring naipakilala ang katauhan ni Ned Armstrong (Dennis Trillo), at pagkakabuo ng “Camp Big Falcon,” asahan na mas titindi na ang mga susunod pang mga eksena kung paano ipagtatanggol ng Voltes V team at Voltes V robot ang mundo.

Marami na rin ang nasasabik na makita ang sagupaan ng Voltes V robot kontra sa mga beastfighter ng Boazania.

Patuloy na subaybayan ang Voltes V: Legacy mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits. At mapapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream. 

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …