Isang miyembro ng communist terrorist group ang nadakip sa manhunt operasyon na ikinasa ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Bataan kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang arestadong rebelde na si Ernesto Serrano aka “Ka Revo”, 57, na naaresto ng mga tauhan ng CIDG RFU3, local police, NICA at Philippine Army sa kanyang tinitirhan sa Brgy. Apalit Resettlement, Floridablanca, Pampanga.
Ang warrant sa pag-aresto kay “Ka Revo” ay inilabas ni Judge Gener M. Gito, Presiding Judge ng Regional Trail Court, 3rd Judicial Region Branch 92, Balanga, Bataan.
Ayon sa ulat, si “Ka Revo’ ay hinatulan sa hukuman ng kasong murder at naging wanted nang kanya itong pagtaguan ng apat na taon bago siya naaresto.
Siya ay positibong kinilala ng mga testigo at mga nagreklamo na siyang pumatay sa isang nagngangalang “Totoy” noong Nobyembre 18, 2018 sa Bataan.
“itong si Serrano ay miyembro ng Platoon Bataan ng Central Regional Committee,” ayon kay PBGen Romeo M Caramat Jr., CIDG director.
Ang akusado ay pansamantaang ikinulong sa mga umaresto sa kanyang CIDG unit bago siya dalhin at ibalik ang kanilang WOA sa court of origin. (Micka Bautista)