Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Summer Blast 2023

Bonggang fireworks display sa Summer Blast ikinatuwa ng mga Manonood 

RATED R
ni Rommel Gonzales

KUNG ang Chicago ay may Lollapalooza at ang California ay may Coachella, ang Pilipinas may Summer Blast. Tampok ang bigating concert experience, samotsaring pasyalan, amusement rides, booths at summer-themed attractions, talaga namang nag-level up pa ang event ngayong 2023.

Mahigit 120,000 katao ang nagtungo sa Philippine Arena Complex, Ciudad De Victoria, Bocaue, Bulacan nitong Mayo 13 para makilahok sa Summer Blast. Batay sa mga ulat, walang naging aberya sa trapiko dahil sa bagong sistema ng traffic flow management na ipinatupad.

Nakisaya at nakikanta naman ang music fans sa performances ng mga bigating artists tulad ng Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy, at si Gloc-9. Dinumog ang Philippine Sports Stadium na halos ‘di mahulugang-karayom sa dami ng nanood.

Hindi lang ang mga manonood ang natuwa sa concert. Mismong ang mga artist, nagpahayag din ng kanilang naging experience.

Masyadong Masaya! Maraming salamat sa pagmamahal. Hanggang sa muli!” sambit ni Gloc-9.

Hindi rin nagpahuli ang Silent Sanctuary na nag-post sa kanilang official page ng, “It really was a blast!”

Nagtanghal din ang Soapdish, Bandang Lapis, Sunkissed Lola, Dilaw, Jumanji, Calista, Lunar Lights, Eclipse, Goodwill, atsi Noah Alejandre.

Lumutang ang galing at charisma ng bandang Dilaw na sumikat sa kanilang kantang Uhaw. Sakto sa tag-init ang kanta at ayon sa banda, na-excite sila sa dami ng nanood.

We’re super excited, a bit nervous, it’s our

first time playing in a venue like this. The idea of playing in a venue like this is very exciting,” pahayag ng banda sa isang interview.

Marami rin ang nabilib at napahanga sa bandang Sunkissed Lola. Ito ang unang beses na nakatugtog sila sa napakalaking

crowd.

“[It’s] our first time performing sa ganito kalaking crowd. Sobrang overwhelming. Ang solid, ito ‘yung pinakamagandang set-up ng stage,” sambit ng bandang Sunkissed Lola pagkatapos ng kanilang set.

It was a surreal experience. Lined-up with legends and icons in the entertainment industry,” pahayag naman ng Eclipse.

Natapos ang concert sa isang nakamamanghang fireworks display na labis na ikinatuwa ng mga manonood.

Bago pa ang concert, nakapaglibot ang mga manonood sa iba’t ibang atraksiyon sa Philippine Arena complex tulad ng The Garden, Butterfly Garden, Airsoft Grounds, Museum of Death at House of Mirrors.

Nag-enjoy din ang marami sa Inflatables, Trade Show, Game Booths, Water Fun at Car Show. Sinubukan naman ng mga magkakapamilya at magkakaibigan ang amusement rides na nagbigay ng thrill at excitement. Pinilahan naman ang Bazaar at Food Park na naroon din sa paligid ng venue.

Para naman sa mga hindi nakapanood sa mismong araw ng event, mabibigyan pa rin sila ng tsansang makisaya sa Summer Blast dahil ipalalabas ito sa NET25. Abangan ang detalye sa social media platforms ng estasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …