Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mrs Face of Tourism Phils

3 kandidata ng Mrs Face of Tourism PH ‘di pabor sa pagsali ng trans sa Miss Universe  

REALITY BITES
ni Dominic Rea

MAINIT ngayong pinag-uusapan sa pageant world lalo sa Miss Universe ang pag-welcome ng mga trans and single moms na lumahok sa naturang patimpalak.

Like what happened last Sunday night sa Miss Universe-Philippines na may sumaling single moms.

Sa papalapit na kauna-unahang Mrs. Face Of Tourism-Philippines ngayong May 31 (na wala pang venue) ay naging deretsahan ang sagot ng tatlong candidates na sina Alma Soriano mula sa probinsiya ng Bulacan, Jannith Lauce Romantico mula sa probinsiya ng Quezon, at Susan Villanuena mula sa Baguio na may kanya-kanyang dahilan ang organisasyon ng bawat beauty pageant kung ano ang kanilang nagiging ruling sa panahong ito. 

Naging deretsahan ang tatlong misis sa pagsasabing hindi sila against dito pero naniniwala silang may kanya-kanyang platform para sa bawat pageant. Kaya nga raw tinawag na Miss Universe dahil mga single ladies o mga miss lang ang may karapatang sumali. 

Tulad nila, nagkaroon ng pagkakataong mabuo ang Mrs. Face Of Tourism-Philippines kaya bilang mga misis na ay dito sila sumali.

Kaya nga napakaraming titulo ng beauty pageants at kung saan nararapat sumali ang isang kandidata ay doon lang dapat at huwag nang gawing isyu ang equality dahil lahat naman ay pantay-pantay. ‘Yun nga lang, dapat doon ka lang sa kung saan ka lulugar bilang isang beauty contende.

Talbog! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …