RATED R
ni Rommel Gonzales
“LOVE, bagay ka roon sa Public Affairs.” Ito ang sinabi ni Sarah Geronimo sa kanyang asawang si Matteo Guidicelli, na isa nang Kapuso.
Sa press conference nitong Huwebes sa pagpirma ni Matteo ng kontrata para maging bahagi ng Public Affairs ng GMA Network, sinabi ng aktor na masaya at suportado ni Sarah ang kanyang desisyon.
“Sabi niya, ‘Love, bagay ka roon sa Public Affairs. Your prayers are answered. Our prayers are answered,” pahayag ni Matteo tungkol sa sinambit ni Sarah sa kanya.
Tungkol sa pagiging ama, sinabi ng aktor na, “Handang handa na, dati pa.”
Gayunman, mayroon pa silang dapat asikasuhin muna ng kanyang maybahay.
“God willing, after all [the] activities that Sarah wants to do [and] want to accomplish and, of course, my commitments with [GMA Network], hopefully, by the end of the year, sana pag-pray natin lahat na makabuo,” pahayag ni Matteo.
Ginanap ang contract signing ni Matteo sa GMA Public Affairs nitong Huwebes sa SEDA Vertis North sa Quezon City.