Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

Tatlong tulak timbog sa 100 gramo ng ‘obats’

Nagwakas ang maliligayang araw ng tatlong kilabot na tulak sa San Jose del Monte City, Bulacan nang maaresto sa isinagawang drug-operation ng pulisya sa naturang lungsod kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala ni PLt.Colonel Ronaldo Lumactod Jr.., hepe ng San Jose del Monte City Police Station (CPS) kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga arestadong suspek na sina Crisanto Avena y Ngan aka Bunso, 43, nakatala bilang Unified PNP/PDEA drugs watchlist; Dariel Lazaro y Caña, 27; at Lyza Dizon y Deocareza, 40.

Ang mga suspek ay naaresto ng mga operatiba ng CDEU SJDM CPS sa pamamagitan ng ikinasang anti-illegal drug operation sa Brgy. Gumaoc East, CSJDM, Bulacan.

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong piraso ng selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng shabu, may timbang na humigit kumulang sa 100 gramo na may kabuuang Php680,000.00 at Php3,000.00 bill marked money.(Micka Bautista

About Micka Bautista

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …