Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

Rapist na mahigit isang taong nagtago, nasakote

Matapos ang mahigit isang taong pagtatago ay naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na may kasong panggagahasa sa kanyang tinitirhan sa Brgy. Cut-Cut, Angeles City.

Ayon sa ulat mula kay PBGeneral Romeo M. Caramat, director ng Crimial Investigation and Detection Group (CIDG), ang arestadong akusado ay kinilalang si Arnold Ferrer Penaflor a.k.a. “Arnold Penaflor”, 25-anyos..

Si Penaflor ay inaresto ng mga tauhan ng CIDG Angeles Field Unit kasama ang Angeles City police para sa krimeng Statutory Rape sa ilalim ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Katrina Nora S. Buan- Factora, Presiding Judge, Family Court, 3rd Judicial Region, Branch 10, Angeles City, Pampanga.
“Itong akusado ay nagtago matapos magawa ‘yung kanyang krimen, nagpalipat-lipat siya ng lugar upang makaiwas na mahuli ng mga otoridad,” saad pa ng CIDG Director.
Sinabi pa ni PBGen Caramat na sa pamamagitan ng kanilang tracker teams at intelligence build-up ay nagawa nilang madiskubre at matunton ang kinaroroonan ng akusado na nagresulta sa kanyang pagkaaresto.
Si Peñaflor na nakatala bilang No. 8 Regional Level Most Wanted Person sa Region 3, No. 10 Provincial Level MWP sa Pampanga, at No. 1 Municipal Level MWP sa Angeles ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng CIDG unit hanggang ang kanyang warrant ay mai-turn over sa court of origin.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …