Sunday , November 17 2024
PSC Ifugao Laro ng Lahi

MOA signing, PSC at Province of Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

Pormal na nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao ang Memorandum of Agreement (MOA) noong Biyernes, Mayo 12 sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila, ang isasagawang “Laro ng Lahi” na nakatakda sa Mayo 26- 28, 2023 sa Lagawe, Ifugao.

Ang PSC ay kinatawan nina Women in Sports program oversight Commissioner Olivia “Bong” Coo at Commissioner Edward Hayco. Sinamahan sila ni Ifugao Governor Jerry Dalipog, C. E. sa simpleng seremonya. 

“Pagkatapos ng serye ng coordination meetings sa probinsya, masaya kami na sa wakas ay magpapatuloy ang ating inaugural leg. Nagpapasalamat kami kay Gov. Dalipog sa partnership na ito,” pahayag ni Commissioner Coo.

“Ito ang unang pagkakataon, tiyak na makakatulong ito sa ating lalawigan, at makakatulong sa ating kabataan sa kanilang pisikal at mental na kalusugan,” ani Gov. Dalipog.

Ang PSC’s Laro ng Lahi sa Ifugao will feature five (5) regular sports namely; boxing, wushu, wrestling, weightlifting, at taekwondo, kabilang ang 9 na katutubong laro katulad ng Labba Race, Guyyudan (Tug of war), Kadang-kadang, Dopop di Babuy, Munbayu, Hanggul, Huktingan, Bultung, at Dopap di Manuk.

Layunin ng national sports body na suportahan at tulungan ang lalawigan ng Ifugao na bumuo ng local sports program nito. Ang Laro ng Lahi ay magiging bukas sa lahat ng interesado kabilang ang mga out of school youths at miyembro ng katutubong komunidad sa lalawigan. Nag-donate din ang ahensya ng ilang sports equipment sa lalawigan bago ang paglulunsad ng programa.

Naniniwala rin si Commissioner Coo na ang paparating na proyekto ay magiging isang magandang paraan upang matuklasan ang mga potensyal na pambansang atleta at sa gayon ay palakasin ang pambansang training pool.

“Karamihan sa mga matagumpay nating national athletes ay mga homegrown talents mula sa mga probinsya, sa Laro ng Lahi na ito, layunin nating palawakin pa ang ating talent pool lalo na sa mga babaeng atleta sa buong bansa,” shared the lady commissioner.

Dumalo rin sa MOA signing sina PSC Deputy Executive Director Anna Christine Abellana, Philippine long jump queen at WIS consultant Elma Muros-Posadas, habang kinatawan ni Aguinaldo Ifugao Mayor Gaspar Chilagan Jr. at Executive Assistant Agustin Calya-en ang probinsya ng Ifugao.

Tinanggap nina (L-R) Ifugao Provincial Executive Assistant Agustin Calya-en, Aguinaldo, Ifugao Mayor Gaspar Chilagan Jr., at Ifugao Provincial Governor Jerry Dalipog ang ilan sa mga sports equipment na donasyon ng Philippine Sports Commission (PSC) mula kina Commissioner Olivia “Bong” Coo, Commissioner Edward Hayco at Deputy Executive Director Anna Christine Abellana, bago ang paglulunsad ng Laro ng Lahi Program sa Ifugao sa Mayo 26-28, 2023. (HENRY TALAN VARGAS)

About Henry Vargas

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …