Sunday , December 22 2024
Turtles Pagong

  Libong halaga ng pagong kinulimbat, kawatang bisor  nasakote

Sa hirap ng buhay ngayon kahit ano ay gagawin makasalba lang sa araw-araw tulad ng isang lalaki na mga pagong naman na libo ang halaga ang sinikwat mula sa kanyang pinapasukang farm sa Pandi, Bulacan.

Sa ulat ni PMajor Dan August Masangkay, hepe ng CIDG Bulcan, at sa superbisyon ni PColonel Jess Mendez, RC CIDG RFU-3 katuwang ang mga tauhan ng Pandi MPS ay ikinasa ang hot pursuit operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek na pansamantalang itinago ang pagkakakilanlan..

Ang operasyon ay may kaugnayan sa reklamo ng farm owner at kanyang manager/consultant laban sa suspek na farm supervisor sa pagkakasangkot nito sa masamang gawain sa loob ng kanilang farm.

Napag-alamang ang suspek ay itinuturo sa pagnanakaw ng tatlong pagong na halagang P10, 000.00 bawat isa sa Tango Fire Farm na matatagpuan sa NIA Road, Bagbaguin, Pandi, Bulacan.

Ang naturang arestadong suspek ay nasa kustodiya ngayon ng CIDG Bulacan PFU para sa dokumentasyon at naaangkop na disposisyon habang inihahanda na ang pagsasampa sa kanya ng kasong Qualified Theft (Art.310 ng RPC) sa Bulacan Provincial Prosecutor’s Office. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …