Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gene Juanich Aiai delas Alas

Produ ni Vice, kinontra ni Gene Juanich

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PINABULAANAN ni Gene Juanich ang claim ng isang producer ng show ni Vice Ganda na hindi raw totoo ang pahayag ni Garth Garcia sa pambabastos sa kanila ng assistant ni Vice.

Isa ang singer/songwriter na si Gene sa nagkaroon ng hindi magandang experience sa nasabing tao ni Vice nang naging front act ito sa show ng komedyante sa US.

Pahayag ni Gene, “Sabi raw po kasi ng producer, pagkabalik daw sa dressing room nila Vice pagkatapos ng show, nagkakasiyahan daw ang grupo ni Vice na inaawitan pa ng ‘Happy Birthday’ ang kanyang assistant at pagkatapos ay sinabihan lamang nito ng malumanay ang mga nasa hallway na nakatanghod sa labas ng kuwarto ni Vice ng ‘Excuse me po, magbibihis lang po si Vice para sa Meet & Greet!’

“Wala naman daw dahilan ang assistant para sumigaw at mag-attitude pagkatapos ng kasiyahan na iyon. In fact, may witness daw na isa sa mga front acts din na nagngangalang John Cueto ang nakarinig nang tinuran ng assistant ni Vice.

“Pero hindi po totoo iyan and you can quote me po na sa ugali at pagka-rude ng assistant ni VG, imposible na nagsasalita po iyan ng malumanay, hindi po yan nagsasalita ng malumanay at bagkus palaging rude at mayabang ang pagsasalita sa amin.

“Doon lang sa technical rehearsal po namin sa stage mismo, lagi kami sinisigawan niyan na. ‘Hanggang dito lang kayo!’ Puwede naman sabihin nang maayos at malumanay dahil nakakaintindi naman kami.

“Sabi rin ni Garth na wala naman yung produ doon at yung sinasabing witness daw na John ay kilala rin ni Garth, pero wala naman daw po ito roon nang nangyari po ag insidente,” mahabang paglilinaw pa ni Gene.

Aniya pa, “Nakakalungkot lang dahil ang mismong producer na Pinoy pa naman na naturingan, sa assistant pa ni Vice kumakampi imbes sa amin na nakaranas ng hindi magandang pagtrato sa assistant na yun.”

Kaya naman naikompara ni Gene ang Supestar na si Nora Aunor at Ai  delas Alas kay Vice.

Aniya, “Ang Superstar na si Nora Aunor na sobrang taas na ang naabot, National Artist na siya, ang pinakamataas na antas na ng pagiging artista pero nananatili pa ring abot-kamay ng fans na mga ordinaryong tao at simple pa rin kumilos si Ate Guy. 

“Samantalang si VG, nakatikim lang ng dalawang basong kasikatan akala mo di na kayang abutin at todo bantay sarado, na di mo makakausap o makikihalubilo sa inyo kung ordinaryong tao ka lang… Malayong-malayo sa character at attitude ng nag-iisang Superstar na nananatiling humble at down to earth.”

Dagdag pa ni Gene, “Si Ms. Ai Ai po napakabait at napaka-warm ng pakikitungo sa amin. Pati sa technical rehearsal po namin talagang malalapitan mo siya at kakausapin ka. Si VG wala, ni hindi ka lalabasin from her dressing room para man lang kamustahin ka.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …