ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
DAPAT tutukan tuwing Sunday ng hapon ang isang makulay at nakatatawang romance comedy na teleserye, ang Barangay Mirandas na may mga kuwentong tungkol sa buhay barangay.
Starring Julia Clarete bilang Kapitana Miriam Sebastian at John Medina bilang Kagawad Rolly del Monte. Tampok na guest this Sunday si Dra Minguita Padilla at iba pa.
Ang Mirandas ay isang fictitious barangay sa isang fictitious city, ang Maunlad City. Bawat episode rito ay base sa mga totoong pangyayari sa barangay. Maraming mapupulot na aral sa buhay at batas pang barangay sa Barangay Mirandas. Kaya habang naaaliw ka ay may natututunan ka pa.
Mayroon din iba pang mga karakter na nagbibigay ng saya at sigla sa kanilang mga papel bilang mga miyembro o staff ng konseho o kaya ay ng komunidad.
Ang cast at crew ay masipag na nagpamalas ng kanilang dedikasyon sa kanilang pag-aarte. Ito ay nangako na magdadala ng pag-ibig at katawanan sa mga manonood.
Ngunit higit pa sa mga ito, hindi ito ang karaniwang romantic comedy na nagbibigay lamang ng aliw, dahil mayroon itong mga aral tungkol sa kung paano gumagana ang buhay barangay at batas.
Sama-sama nating saksihan ang buhay ni Kapitana Miriam sa kanyang unang termino bilang punong barangay ng Mirandas at ang buong paglilingkod na ibinubuhos niya. Si Kapitana Miriam ay tapat sa tungkulin at buong puso ang ginagawang paglilingkod sa kanyang mga constituents.
Ayon sa writer nito, abangan kung magkakaroon ng love angle rito sina Julia at John, na parehong single pa sa sitcom na ito.
Nagsimula na ito last April 23 at ang serye ay napanood tuwing Linggo, 2:00-3:00 ng hapon, sa NET25.