Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

     Most wanted rapist sa region 6, nalambat sa ‘Oplan Pagtugis’ ng CIDG sa Bulacan

Hindi na nagawa pang makapalag ng isang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Region 6 nang arestuhin ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa, Mayo 10.

Sa ulat mula kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang arestadong akusado ay kinialang si Kiven John Asis (TN: Kevin John Asis), na may warrant of arrest para sa krimeng Rape by Carnal Knowledge na inisyu ni Judge Judge Elijo Sharon Ronzales Herrera-Bellones ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 27, Iloilo City, Iloilo, na walang itinakdang piyansa.

Ang akusado na naaresto sa Minuyan, San Jose del Monte City, ay nailagay sa PNP E-Warrant System kaya napabilang sa No. 9 Regional Most Wanted ng Region 6, No. 8 Provincial Most Wanted Person ng Iloilo Province at No.1 Municipal Most Wanted Person ng Passi City.

Sa ikinasang ‘Oplan Pagtugis’ ay nagtulong-tulong ang tracker team ng CIDG Bulacan Provincial Field Unit (lead unit) na pinamunuan ni PMajor Dan August C. Masangkay sa ilalim ng superbisyon ni PColonel Jess B. Mendez, RC CIDG RFU-3, mga tauhan ng Passi CPS Iloilo City at Batan MPS Aklan PPO sa pag-aresto kay Kevin John Asis.

Matapos maaresto, ang akusado ay pansamantalang inilagay sa kustodiya ng CIDG PFU Bulacan para sa dokumentasyon at naaangkop na disposisyon.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …