Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
GCash Couple Arrest

Fraudsters na sangkot sa “love scam” huli sa pagtutulungan ng GCASH-QCD-ACT

SA PATULOY na pagpapaigting sa kanilang crackdown sa cybercrimes at iba pang fraudulent activities, matagumpay ulit na tinulungan ng GCash, ang nangungunang mobile wallet sa bansa, ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Cyber Response Unit sa pag-aresto sa isang Filipina at isang Nigerian national na sangkot sa tinatawag na  “love scam” dahil sa panloloko ng mahigit P2 milyon mula sa kanilang biktima.

 Ayon sa complainant, nakipagkaibigan siya at nagkaroon ng online romance sa isang nagngangalang “Demir Balik” sa isang dating app na nagpanggap na isang Turkish national.

Sinabi ng complainant, humingi ng financial help ang dayuhang suspek ngunit nauwi sa panloloko sa kanya ng P2,282,000.

Tinanggap ng mga suspek na sina Jacel Ann Paderan, 28, at live-in partner na 37-anyos Nigerian na si Ikenna Onuoha, ang pera na idineposito ng complainant sa account ng kanyang ‘virtual boyfriend.’

Lumabas sa imbestigasyon na isang Cristine Mae A. Elizares ang umano’y nagpanggap na virtual boyfriend ng biktima, at tinanggap ang pera na nagkakahalaga ng P28,000 mula sa biktima.

         Ang mga suspek ay dinakip sa joint operations ng Quezon City District Anti-Cybercrime Team (QCDACT) at ng Quezon City Police Department-District Special Operations Unit (QCPD-DSOU).

Kaugnay sa misyon nito na mapaigting pa ang kaligtasan ng mga Filipino, lalo kung online transactions, ang GCash ay masusing nakikipag-ugnayan sa PNP-ACG at iba pang law authorities tulad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang tugisin ang mga  scammer at fraudster na nambibiktima ng kanilang users.

Gayondin, kasama ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang Philippine National Police (PNP), naharang ng GCash ang mahigit 900,000 accounts na sangkot sa fraudulent activities ngayong taon, at inaresto ang top fraudsters na nambibiktima ng  customers sa pamamagitan ng pekeng social media pages at digital storefronts.

Patuloy na hinihikayat at pinaaalalahanan ng GCash ang mga Filipino na higit na maging maingat at mapagbantay dahil sa patuloy na pagdami ng iba’t ibang online scams.

Para hindi mabiktima ng pekeng online sellers, pinaaalalahanan ng GCash ang mga customer na laging i-check ang payment terms ng seller, at hanggang maaari, makipag-transact sa mga nagbibigay ng opsyon na magbayad makaraang mai-deliver ang produkto o serbisyo.  Para sa dagdag na seguridad at kaligtasan, tiyakin na laging tanungjn ang seller sa kanilang contact details at humingi ng official o acknowledgment receipt para sa proof of transaction.

Para sa tulong, tumawag sa PNP-ACG sa kanilang hotlines sa (02) 8414-1560, 0998-598-8116, o via email sa [email protected].

Para mag-report ng scams at fraudulent activities, bumisita sa official GCash Help Center sa help.gcash.com/hc/en-us o mag-message kay Gigi sa website at i-type, “I want to report a scam.” Kailanman ay hindi magpapadala ang GCash sa users ng personal messages para tugunan ang mga concern o kumuha ng personal information, lalo ang MPIN at One-time Pin (OTP). Maaari rin tumawag ang mga customer sa  official GCash hotline 2882 para sa mga katanungan at concerns.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.gcash.com.ph

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Miro Quimbo Bojie Dy

Liderato ng Kamara pabor more power kay PBBM vs pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng suporta si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa layunin …

Kamara, Congress, money

Ika-tatlo at ika-apat na impeachment complaint “sufficient in form”

ni Gerry Baldo IDINEKLARANG sufficient in form ng House Committee on Justice ang ikatlo at …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …

Israel Iran War

Sa Tel Aviv, Israel
OFW PATAY SA AIRSTRIKE

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpanaw ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …