Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Dizon Abot Kamay Na Pangarap

Allen wa ker kung dagdag lang sa Abot Kamay Na Pangarap

RATED R
ni Rommel Gonzales

KARAGDAGANG karakter si Allen Dizon sa Abot Kamay Na Pangarap at dahil nga sa patuloy na mataas na rating ng programa, sigurado na ang kanilang extension.

Hanggang kailan ba mae-extend ang kanilang serye?

Well actually malalaman namin this month kung… pero ang sinasabi nila, ang sinabi nilang extension dati hanggang July.

“So, ngayon parang another extension na naman.”

Magkakaroon ng kaugnayan ang karakter niya bilang si Dr. Carlos Benitez sa karakter ni Lyneth Santos na ginagampanan naman ni Carmina Villarroel.

Handa ba siyang pagselosan ng mister ni Carmina na si Zoren Legaspi, biro namin kay Allen.

Tumawa muna si Allen bago sumagot, “Si Carmina nag-partner na kami sa ‘Doble Kara,’” pagtukoy ni Allen sa 2015 TV series ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Julia Montes.

Ano ang pakiramdam na kahit hindi siya kasali sa original cast ng serye ay bahagi siya ngayon ng top-rating at palaging nagba-viral na serye ng GMA?

Blessing pa rin sa akin kasi ‘di ba, the mere fact na kinuha ka ng pinakamataas na rating and pinakamagandang show ngayon, nakikita ko, parang blessing pa rin kahit hindi ako kasama sa simula.

“Baka kasama ka nga sa simula tapos pinatay ka naman so, okay na ‘yung dumating ka ng medyo late tapos hanggang dulo ka, ‘di ba?”

Sa Abot Kamay Na Pangarap ay unang beses na gumanap ni Allen bilang isang doktor.

May pinag-aralan ba siya o nag-workshop ba siya para sa kanyang papel? 

Hindi naman pero kailangan mong pag-aralan ‘yung  mga medical terms nila, ang dami! Mahirap ‘yung mga medical term.

“So, kailangan talagang pag-aralan. Alam naman natin ‘pag soap ang daming daldalan ‘di ba, ang daming mga dayalog.

“Ang daming iba-ibang style ng direktor.”

Ang karakter ni Allen ang ama ni Zoey na ginagampanan naman ng Sparkle actress na si Kazel Kinouchi.

Bago ang serye na pinagbibidahan ni Jillian Ward bilang Dra. Analyn Tanyag, ay naging bahagi si Allen ng GMA series na Return To Paradise nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva nitong nakaraang taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …