Naimbitahan bilang panauhing pandangal si Vice-President Inday Sara Duterte sa 77th Annual Ball of the Marilao Social Circle Foundation Incorporated sa Liwasang San Miguel Arkanghel, Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Lubos ang naging paggalang at paghanga ni VP Sara sa mga non-profit organizations tulad ng Marilao Social Circle Foundation Incorporated sa pagiging mabuting halimbawa para sa mga Pilipino sa pagpapatuloy ng tradisyon ng pagkakaisa, pagtutulungan, pagkakawanggawa, at pananampalataya, kasama ang masigasig na suporta sa pag-unlad ng bayan.
Aniya, bilang kalihim ng Department of Education, nananawagan din siya na unahin ang pagpapahalaga ng edukasyon para sa mga kabataang Pilipino upang matupad nila ang kanilang mga pangarap.
Upang magbigay ng pasasalamat sa Marilao Social Circle Foundation sa kanilang inisyatibo na tulungan ang mga kabataang mula sa mahihirap na pamilya na makapag-aral, nag donate rin ang Pangalawang Pangulo ng P100,000 upang mas marami pang kabataan ang makinabang sa libreng edukasyon.
Sa kanyang mensahe, sinabi niya ito:
“Ang pangarap ng Department of Education — magkaroon tayo ng mga kabataang Pilipino na may puso para sa Pilipinas. Mga batang makabansa. At nais natin na ang Pilipinas ay isang bansang makabata.”(Micka Bautista)
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY
PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …