Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joey de Leon

Joey ‘di pa nababayaran, Eat Bulaga apektado na sa gulo sa TAPE 

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI lang daw P30-M, may paramdam na mas malaki pa ang naging utang ng TAPE Inc. kay Vic Sotto sa hindi nababayarang talent fees noon. Pero mabuti naman at sinabi ni Vic mismo na nabayaran na siya at sinabing, ”mabuting na-media.” Kay Joey de Leon daw ay umabot din sa P30-M ang utang. Hindi naman masabi ni Vic kung nabayaran na rin ng buo si Joey.

Nang tanungin kung paano nila natagalan ang ganoong sitwasyon, sinabi ni  Vic na, “sanay sa ganyan ang TVJ, may panahon ngang hindi talaga kami sumuweldo ng isang taon eh.Tapos bale wala na iyon, ang mahalaga ay enjoy ka sa trabaho mo.”

Ganyan ang mga usapan simula nang magkaroon ng gulo nang sabihin ng pamilya Jalosjos na ite-take-over na nila hindi lamang ang TAPE kundi maging ang actual na production ng Eat Bulaga

Nag-retire na nga ang dating producer niyon  na si Tony Tuviera. May nagsasabi naman na gusto na raw talagang mag-retire  ni Tuviera noon pa man, pero ngayon lumalabas na hindi pala ganoon. Palagay namin hindi matatapos ang controversy na iyan hanggang hindi sila magkakasamang humaharap sa publiko. Magkakaiba kasi ang lumalabas na statements eh. 

Ewan kung totoo ang mga tsismis, kinausap na rin daw ng mga Jalosjos ang retired executive ng show na si Malou Choa-Fagar para siyang tumayong executive producer ng show kapalit ng nag-retire na si Tony. Ito namang mga host nila, parang mas pabor kay Tuviera.

Palagay namin para mas maging maayos kung may gusto man silang gawing transistion, huwag nilang madaliin, panatiliin muna nilang gaya ng dati ang lahat, naapektuhan na ng controversy ang kanilang commercial load.

Hindi maganda para sa show iyong ganyang nagkakagulo sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …