I-FLEX
ni Jun Nardo
GUMAGAWA ng movie ngayon si Isko Moreno. Planong isali ‘yon sa darating na Metro Manila Film Festival 2023 kung papalaring mapili.
Sa pahayag ni Isko sa amin, tungkol ito sa buhay ng mga engkanto, duwende at iba pa.
“Hindi na kasi alam ng Gen Z ang tungkol sa ganyan.
“Kaya ipakikita sa movie ang buhay sa loob ng supernaturals na ito kung toto ba silang salbahe o mabait.
“Interesting ang movie kaya sana mapili ito. Update kita!” sabi pa ni Isko sa amin.