Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carmina Villarroel Zoren Legaspi

Carmina nilinaw hiwalayan nila ni Zoren, cryptic messages sa IG

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGSALITA na si Carmina Villarroel  tungkol sa kanyang controversial Instagram post at kung ano ang kuwento sa likod nito.

Tanong ni Mavy Legaspi sa Trip to the Hotseat segment ng Sarap, ‘Di Ba?, “Ano ang reaksiyon mo na maraming nag-react sa isang IG post mo at kinonek pa ito sa inyo ni Zoren Legaspi at Lianne Valentin?”

Sagot ni Carmina, “Una sa lahat, hindi lang isang post ‘yun, dalawa. Dalawa po ‘yun.”

Ayon kay Carmina walang ibig sabihin ang posts na ito.

Nakalagay sa kanyang Instagram Story ang quotes na, “Don’t trust everything you see. Even salt looks like sugar” at “The villain plays the victim so well.”

Ayon kay Carmina walang kahulugan ang mga ito.

Wala lang po ‘yun, walang ibig sabihin. Kasi ako mahilig ako na ‘pag may nakikita ako sa Facebook na mga quotation mga ganyan. It doesn’t matter kung pinagdaraanan ko ‘yun o hindi. Basta ‘pag nagustuhan ko ipino-post ko. Shini-share ko.”

Paliwanag pa ni Carmina, wala siyang pinagdaraanan at hindi naman daw siya nagpo-post talaga ng kanyang nararamdaman sa publiko.

“Siguro baka ganoon ‘yung usual na if you post something it means na pinagdaraanan mo ‘yun. Hindi ko po siya pinagdaraanan because ako po ‘yung klase ng tao na hindi ko pina-public how I feel especially if I am sad, if I am hurt, if I am mad, I don’t post it.”

Dugtong pa ng Sarap, ‘Di Ba? host, “Kung sinusundan ninyo ako sa social media accounts ko, hindi ako ganoong type.”

Ayon pa kay Carmina naisip ng mga tao na si Lianne Valentin ang pinapatamaan nito.

Si Lianne ay nakatambal noon ang kanyang asawa na si Zoren Legaspi sa Apoy sa Langit.

Because nag-guest si Lianne na first time niya, na-connect the dots nila na parang si Lianne raw ‘yung pinariringgan ko. Hindi po, napakabait po ni Lianne sa akin,” paglilinaw ni Carmina.

Saad pa ni Carmina na baka isipin ng publiko na hiwalay na sila ni Zoren dahil nang mangyari ito ay nasa ibang bansa sila ng anak na si Cassy Legaspi.

Ang nakatatawa pa noong nangyari ito, noong naglabasan ‘to, si Zoren at si Cassy nasa San Francisco. Sabi ko, ‘naku, baka akalain talaga ng tao hiwalay.’ Nagkakaproblema raw kami ni Zoren kesyo hiwalay na kami.”

Pero nilinaw nga ni Carmina, wala silang anumang problema ni Zoren, going  very strong ang kanilang relasyon.

Samantala, patuloy na umaani ng papuri sina Carmina at Jillian Ward sa husay nila sa pag-arte sa Abot Kamay Na Pangarap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …