Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharmaine Magdasoc Rhea Tan Beautéderm

BB. Pilipinas finalist Sharmaine, gustong sundan ang yapak ng Beautederm CEO na si Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG 40 nanaggagandahang kandidata ng Binibining Pilipinas 2023 beauty pageant ay dumalaw sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City, last Monday. 

Ibang klaseng experience ito para sa mga dilag ng Binibining Pilipinas at isa na ang pambato ng Ortigas-Pasig na si Sharmaine Magdasoc ang sobrang thankful sa naranasan nilang mainit na pagtanggap dito, sa pangunguna ng CEO at president nitong si Ms. Rhea Anicoche Tan.

Ang Beautéderm ang official skin care partner ng 59th Binibining Pilipinas edition. 

Sa aming panayam kay Sharmaine, sobrang thankful niya sa kabaitan at husay ni Ms. Rhea sa ginawa niyang pep talk at pahapyaw na kuwento ng kanyang success story bilang former radio DJ na inabot ang kanyang pangarap na maging successful na businesswoman at ngayon ay isa na ring philanthropist.

Pahayag ng 26 year old na aktres, “I’m so grateful with this experience and so thankful to the most generous and beautiful CEO of Beautederm.

“She’s an inspiration to me. I want to be like her, I admire her for being such an empowered woman and being a blessing to other people.”

Pahabol pa ni Sharmaine, “I hope that God will continue to bless her, cause for I know she’s gonna touch more people’s heart with her kindness.”

Thankful din siya sa pep talk na ibinigay ni Ms. Rhea sa kanila.

“It was really so inspiring po, I’ve learned a lot from her,” masayang sambit pa ni Sharmaine.

Bukod sa inspiring success story ni Ms. Rhea, inanunsiyo rin dito na ang tatanghaling Ms. Beautéderm sa Bb. Pilipinas pageant ay mananalo rin ng Beautéderm store na nagkakahalaga ng half a million pesos at ₱100,000 cash.

Isa rin si Sharmaine sa pinalad na manalo sa pa-raffle mula sa lady boss ng Beautéderm ng magarang LV bag mula sa A List Avenue na matatagpuan din sa kanyang sosyal na building.

“Yes, Hahaha! I’ve won an LV bag. Plus may Hermes perfumes pa pong gift sa lahat ng candidates ng Binibining Pilipinas … and so many Beautederm products po.”

May na-try na ba siyang Beautederm products?

Sagot niya, “Yes po tito, iyong make-up remover, serum and sunblock po. I’ve tried pa lang today tito, but what I see is maganda talaga yung lahat ng products nila. Kaya po gagamitin ko na regularly itong Beautederm.”

Bilang aktres, siya ay kilala sa screen name na Shane Vasquez. Ang dalaga ay contract artist ng Viva.

Ayon sa kanya, after ng Binibining Pilipinas ay itutuloy pa rin niya ang kanyang showbiz career.

Ano ang last movie niya and hanggang kailan ang contract niya sa Viva?

Tugon ni Sharmaine, “Deception po ang last movie ko with Viva, starring Ms. Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez. Iyong contract ko naman sa Viva ay until 2024 po.”

Anyway, nagbigay ng dagdag na excitement at saya sa pagdalaw ng 40 lovely candidates ng Binibining Pilipinas ang mga Beautéderm babies na sina Kakai Bautista na pinasayaw ang mga kandidata sa kanyang very powerful voice at naka-aaliw na performance, ang Kapuso actor na si EA Guzman na hinarana ang mga binibini, at ang Miss Eco International 2018 na si Thia Thomalla na nagbigay ng tips and  advice sa candidates.

Ang magaling, kuwela, at loveable na si DJ Jhai Ho naman ang host ng nasabing event.

Nandoon din ang City officials ng Angeles na sina Executive Assistant V Raffy Angeles and Councilor JC Parker-Aguas, at Department of Tourism in Central Luzon Chief Richard Daenos.

Present din dito ang Mutya ng Angeles Joanne Marie Thornley, designers Mich Viray at Mak Tumang, Dr. Minnie Yao, events planner Voltaire Zalamea, celebrity make-up artist Mariah Santos, at marketing manager Joanna Niña Cordero.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …