I-FLEX
ni Jun Nardo
NANGANGANIB masibak ang bagong public service show dahil walang pumapasok na TV commercials sa programa.
Bagong bukas lang ang programa pero problema na agad ang sumalubong nang bumitaw ang director nto sa ikalawang araw pa lang ng taping.
May kulang kasi sa isa sa hosts kompara sa kasama niya. Lumalayo rin daw ang isang host kapag nagkakagulo na sa mga inimbitang tao.
Parang pilit na pilit kasi ang dating ng programa kaya pati advertisers, ayaw pumasok, huh!