Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
 Iya Tapulgo Galo Tracy Maureen Perez

Tracy Perez bet makatrabaho sina Lloydie at Echo

RATED R
ni Rommel Gonzales

BONGGA ang Beauty Wise dahil napakabata ng kanilang Chief Executive Officer, ang 18-anyos na si Iya Tapulgo Galo na tinagurian ngayon bilang pinakabatang CEO sa bansa.

Mga produkto ng pagpapaganda at wellness ang Beauty Wise at isa sa nagustuhan namin ay ang kanilang mga beauty aid na ang main ingredient ay kamatis na alam nating siksik sa Vitamin C.

Samantala, maaasahan na natin na ang mga billboard ng Beauty Wise ay magsisimula nang kumalat sa EDSA na makikita si Iya at ang main endorser nitong si Tracy Maureen Perez na personal choice ng batang CEO na maging celebrity endorser ng kanilang mga beauty product.

Perfect si Iya na makasama sa mga billboard ng Beauty Wise dahil napakaganda ng dalaga at napaka-flawless ng balat, pagpapatunay na effective na pampaganda ang mga produktong ineendoso nito.

Tumatak sa utak ng publiko si Tracy dahil siya ang beauty queen na kung ilang beses natumba sa entablado at nahulog sa hagdanan habang ginaganap ang Miss World Philippines 2021.

At kahit noong matapos iyang koronahan bilang winner ay natumba siyang muli sa stage.

Kaya hinding-hindi makalilimutan ni Tracy ang pagkapanalo niyang iyon.

Na-test doon ‘yung lahat-lahat. Character, perseverance, lahat.

“For me, ‘yun nga. Inuulit-ulit ko when people asked me na it’s never easy. So, make sure that you’re prepared talaga, physically, emotionally, dapat healthy ka. Always be present.

“Kasi ‘pag pagod ka na, hindi mo na nararamdaman masyado ‘yun, eh. So again, always be ready.

“And para naman sa akin, I was able to get a lot of help from the organization, from my team, from my camp. So, very thankful naman po ako. And they really helped me push through,” sinabi ni Tracy.

Samantala, papasukin na ni Tracy ang pag-aartista at handa naman na siya sa hamon ng showbiz dahil sumailalim na siya sa mga workshop at mga guesting sa pamamagitan ng manager niyang si Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit, Inc..

Sina John Lloyd Cruz at Jericho Rosales ang nais sana ni Tracy na maging leading men sa hinaharap at drama at action ang genre na nais niyang subukan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …