Monday , December 23 2024
Bulacan

   Mahigit 2,000 trabaho tampok sa Bulacan trabaho service caravan

HIGIT 2,000 oportunidad dito at sa ibang bansa ang nakalaan sa mga Bulakenyong naghahanap ng trabaho na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports, and Public Employment Services Office (PYSPESO) ng Bulacan Trabaho Service (BTS) Caravan kahapon, araw ng  Huwebes, Mayo 4, 2023, sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Inimbitahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga interesadong Bulakenyo na makiisa sa Labor Day job fair na nakaangkla sa temang “Pabahay, Bilihing Abot-Presyo, Benepisyo ng Matatag na Trabaho para sa Manggagawang Pilipino” at magparehistro sa http://bitly.ws/Dwy8.

“Narito po muli ang isang pagkakataon para sa ating mga kalalawigan upang matagpuan ang kanilang pangarap na hanapbuhay na siyang magiging susi upang makamit nila ang kanilang mga pangarap para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya,” anang gobernador.

Maliban sa 40 lokal at 10 overseas na ahensya, mayroon ding mga serbisyong may kaugnayan sa empleyo na matatagpuan sa gawain na nagbigay ng front desk assistance sa mga aplikante kabilang ang NBI, SSS, DFA, BIR, PSA, Philhealth, DTI, PAG-IBIG, at TESDA.

Nagkaroon din ng libreng print at photocopy ng mga dokumento para sa lahat ng naghahanap ng trabaho.

Bukod pa rito, nakabili sila ng mga sariwang ani kabilang ang bigas, gulay, prutas at iba pa sa murang halaga sa KADIWA Retail Store; libreng gupit at masahe sa pakikipagtulungan ng mga nagsipagtapos ng In-house Skills Training; at trade fair sa pangunguna ng Department of Trade and Industry tampok ang mga produkto at serbisyo ng mga piling benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP). (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …