Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gloria Diaz

Gloria Diaz ‘di pabor sa may asawa, transexual, age limit sa Miss U

RATED R
ni Rommel Gonzales

TULAD ng alam na ng publiko, lalo na ng mga beauty pageant aficionados, maaari na ngang sumali sa Miss Universe ang mga may asawa, may anak, at transsexual.

At bilang kauna-unahang Filipinang Miss Universe noong 1969, personal naming tinanong si Gloria Diaz kung ano ang opinyon niya tungkol dito.

“‘Di dapat, Universe na lang, huwag nang Miss. Kasi, hindi na Miss ‘yon, ‘di ba,” umpisang sagot sa amin ni Gloria.

“Dapat ‘Universe’! Hindi, I think they even include transvestites. Siyempre, going with the times, ‘no?

“Pero my personal opinion, which is not to be taken in the negative way, dapat may sarili silang contest.

“May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe.

“There is room for so much. Oo, mga category na ganoon, ganyan. Tapos, kasi even sa Mrs. Universe, andaming magaganda riyan na nanganak na. Okay lang ‘yon!”

Isa pa ring malaking pagbabago sa Miss Universe ay ang age limit; hanggang 28 years old ay puwede pa ring sumali.

Rati kasi ay 18 hanggang 26 years old lamang ang age requirement.

Kasi actually, ‘pag 28 ka na, dapat may career ka na, hindi ba? Dapat mga… like during my time, from 17 or 18 hanggang 23, ikaw na ang pinakamatanda.

“In fact noon, ‘pag may 23 years old, sasabihin nila, ‘And the oldest candidate, 23 years old…’ “Ganyan, ‘no? Bukod-tanging ikaw ang pinakamatanda.

“Pero ngayon, nakaka-28 na yata, puwede pa rin, eh. It’s hard. It’s a very new idea na sa akin, not very acceptable.”

Para rin sa marami, nararapat lamang na bukod ang beauty pageant para sa mga may-asawa, nanay, lesbian, bisexual, o transsexual.

Dapat kanya-kanya! O sige, ‘di at least it gives people more chances, ‘di ba,” reaksyon ni Gloria.

“Kasi, you’re representing this country. Eh, kung may mas magandang babae, o mas magandang tranny… mas mahirap kalaban ang tranny.

“Kasi I’ve been a judge sa Super Sireyna. Ang gaganda talaga nila! At talagang palaban! Kaya nilang magsirko-sirko riyan, ‘di ba?”

Bida si Gloria bilang si Dalena sa pelikulang Lola Magdalena. Kakaiba ang papel niya rito bilang faith healer sa araw at lolang pokpok o prostitute sa gabi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …